Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Bilibid: Drug lords ibabalik sa Bldg. 14 — Gen. Bato

INIHAYAG ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Linggo, nais niyang ang mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP) ay maibalik sa “Building 14.”

Sinabi ni Dela Rosa, magsasagawa siya ng “accounting” sa lahat ng drug lords sa national penitentiary kapag nakaupo na siya sa puwesto sa Bureau of Corrections.

“Ibalik ko silang lahat doon sa Building 14 u-pang mabantayan talaga ng SAF (Special Action Force). Doon kasi, balita ko, nakakalat na raw sila, nasa medium [security] ‘yung kilala talaga like Peter Co. Kung sino pa ‘yung pinakamalaking mga pangalan diyan, mga Sam Lee Chua, nandoon sa medium security compound na hindi kontrolado ng SAF,” ayon kay Dela Rosa.

“Nagkalat ‘yung transaksiyon ng droga sa medium [security compound], so i-account natin silang lahat, ibalik doon sa Building 14 para wala na, hindi na siya makapag-transact,” dagdag niya.

Sinabi ng PNP chief, dahil bigo ang drug lords na suhulan ang mga miyembro ng SAF, nagpasya silang lumipat sa ibang compound na hindi kontrolado ng SAF.

“Hindi sa ibinibida ko ‘yung mga SAF natin kundi sabi talaga ng mga tao doon sa loob, hindi na kayang i-bribe ‘yung SAF na naka-deploy doon at one way para maiwasan ‘yung hindi sila mahirapan na i-bribe ‘yung mga SAF na naka-deploy magpupumilit sila, maghanap sila ng pamaraan na mailipat sa ibang compound na hindi kontrolado ng SAF,” ayon kay Dela Rosa.

Idinagdag niyang ang paglilipat sa drug lords sa Building 14 ay hindi lamang makapipigil sa drug transaction kundi maging ang pagpasok ng cellular phones.

“Hindi na makapasok ‘yung mga cellphone, walang internet, walang contact sa outside world,” aniya.

“Ang tanong ko riyan bakit kailangan pa ng jammer kung mapipigilan ‘yung pagpasok ng cellphone… napakalaking problema pa talaga paano natin iresolba ‘yang problema na ‘yan.”

BATO
NAKIPAG-JAM
SA BILIBID
INMATES

BAGO ang kanyang pag­ka­katalaga sa Bureau of Corrections (BuCor), ang magreretirong si Philippine National Police chief, Director General Ronald dela Rosa ay nakipag-jam sa mga preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, umawit si Dela Rosa sa harap ng daan-daang mga preso sa NBP.

Napag-alaman, habang umaawit si Dela Rosa ay sinasabayan ito ng indak ng dancing inmates.

Binisita ni Dela Rosa ang NBP nitong Biyernes sa paggunita ng ika-112 founding anniversary ng BuCor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …