Monday , November 25 2024

Barbie Forteza, thankful sa tiwala ni Ms. Baby Go

NAGBABALIK ang tam­balang Barbie Forteza at Derrick Monasterio via BG Productions International Almost A Love Story. Isa itong RomCom movie na

pinamamahalaan ni Direk Louie Ignacio. Bago ang pelikulang ito, huling nagkasama sina Barbie at Derrick sa TV series na The Half Sisters noong 2014.

“Bale more than one week kami magsu-shoot sa Italy. Sa BG Productions din ito at directed din by Louie Ignacio. Second time ko na pong gumawa ng movie sa kanila, iyong una sa sa Laut na nanalo akong Best Actress sa Fantasporto Filmfest sa Portugal,” saad ni Barbie.

Dagdag ng Kapuso aktres, “Nakae-excite nga po dahil finally ay kinuha ulit ako ni Ms. Baby Go and again, together with Direk Louie. So, I feel at home, parang nakauwi ulit ako sa bahay ko. Kaya po very thankful ako kay Ms. Baby sa tiwalang ibinibigay niya sa akin.”

Bakit ang title ng movie ay Almost A Love Story? “Kasi may ano siya e, mayroon siyang kakaibang ending. Hindi siya katulad ng kadalasang story ng RomCom sa Filipinas na talagang lalabas ka ng sinehan na in love, ganyan. Dito ay mixed emotions, na parang lahat ng emotions ng pagiging in love ay mararamdaman mo rito sa pelikula.”

Sinabi ni Barbie ang role niya sa pelikulang ito. “Isa akong painter, kaming dalawa ni Derrick, na nakatutuwa dahil parang may personal touch si Direk Louie sa pelikulang ito. Siya rin mismo ang nag-conceptualize and he himself is also a painter.

So talagang this movie is close to his heart.

“Hindi ako nagpe-paint, pero napa-fascinate ako sa mga tao na talagang they really make time, kasi iyong isang masterpiece ng isang artist, hindi naman talaga iyan mabilisan, e. It really takes time. Ako, sobra talagang bilib ako sa dedication nila sa art. Specially kay Direk (Louie), sobrang busy niyang tao, pero naisisingit pa rin niya ang passion niya.”

Game ba si Barbie sakaling i-require sila ni Derrick na magkaroon ng kissing scene kay Derrick?

Tugon ni Barbie, “One of the things na maganda rito sa pelikulang ito, hindi namin kailangan mag-kiss ni Derrick para magbigay ng kilig sa kanila. Ni hindi namin kailangan magkita nang personal para kiligin ‘yung mga tao, kaya itong talagang project na ginawa ng BG Productions, ni Direck Louie ay very unique, pero relatable at nakakikilig na hindi kailangan ng kissing scenes,” ani Barbie.

Nagho-hold-back ba siyang gumawa ng mga mature na eksena tulad ng kissing scene? “Hindi naman po ako nagho-hold back, kaya lang kasi kapag pumayag na nga ako sa ganyan – sa kissing scene, le-level up na naman, hanggang sa palala nang palala.

“So. hindi na ako makababalik sa ganitong stage na teenager. So hangga’t kaya ko, imi-meet ko itong moment na ‘to na wholesome pa. Kasi once na mag-level up ako ay wala nang balikan, e. Hindi naman nagho-hold back, ano lang, inire-reserve ko lang ‘yung sarili ko,” nakangiting diin ni Barbie.

Bukod kina Barbie at Derrick, tampok din sa pelikula sina Lotlot de Leon at Ana Capri.

DIREK JULIUS
ALFONSO, BILIB
SA GALING
NINA JOROSS
AT EDGAR ALLAN

NALAMAN namin kay Direk Julius Alfonso, director ng Deadma Walking na hindi pala sina Joross Gamboa at Edgar Allan ang unang ikinonsider para sa pangunahing role rito bilang sina John at Mark. Ayon kay Direk Julius, unang naisip nila sina Aga Muhlach as John and Roderick Paulate as Mark. Then si Derek Ramsay as John, tapos ay si John Lloyd Cruz for the role of John din. Pati si Dingdong Dantes daw ay na-consider sa pelikula, pero busy masyado ang actor.

“Ganoon pa man, sobra pa rin kaming nagpapasalamat kina Lloydie at Dong dahil magiliw nila kaming binigyan ng pagkakataong mai-pitch sa kanila ang proyekto at sa pagkagusto nila sa script at sa role na John. But as they say Joross and EA (Edgar Allan) were destined to be the John and Mark of Deadma Walking and so the rest is history.”

Ano ang masasabi niya kina Edgar Allan at Joross bilang lead actors ng Deadma Walking? “Edgar Allan and Joross Gamboa are two of the most underrated young actors in the industry. Hindi man sila ang first choice sa roles na Mark at John, respectively, ay sila naman ang final choice. Hindi ko na ma-imagine pa ang pelikula kung hindi sila ang gumanap. Kumbaga, perfect na perfect sila, swak na swak.”

Kumusta ang chemistry nila? “Nakita ko ang off-screen chemistry nila noong pinagsama namin sila sa audition. Sabi ko sa sarili ko, ang daming mae-explore sa characters na John at Mark dahil sa perfect chemistry nila, mabibigyan ng magandang texture at layers ang nasabing characters. And true enough, they delivered brilliantly,” pahayag ni Direk Julius na ang pelikulang Deadma Walking ay isa sa mapapanood sa darating na MMFF simula sa Pasko.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *