Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Kelot todas sa lover ng ex-dyowa

PATAY nang matagpuan ang isang lalaking hinihinalang pinatay ng lover ng kanyang dating kinakasama sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Bonifacio Bohol, 27, mangingisda.

Dakong 5:40  am,  natagpuan ng mga ba­rangay tanod ang bang­kay ng biktima at may nakuhang cardboard sa tabi ng kanyang katawan, nakasaad ang katagang “Magnanakaw ako, wag tularan.”

Sinabi sa pulisya ng tiyuhin ng biktima na si Leopoldo Baldomero, Jr., 67, ang kanyang pamangkin ay hindi sangkot sa mga ilegal na aktibidad taliwas sa nakasulat sa cardboard, na maaaring inilagay upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Dagdag ni Baldomero, huling nakitang buhay ang biktima nitong Martes ng gabi habang kainoman ang dating kinakasama na si alyas Cora at bagong live-in partner ng babae na si alyas Balat sa Area 1, North Bay Boulevard.

Sinabi ni Navotas police deputy chief for operation, Supt. Ferdinand Balgoa, inatasan niya ang kanyang mga tauhan na imbitahan ang dating live-in partner ng biktima at ang bagong kinakasama ni Cora ngunit hindi matagpuan ang dalawa.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …