Monday , December 23 2024

Alfred Vargas, proud sa pelikulang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa

MASAYA ang actor/politician na si Alfred Vargas dahil sa magandang feedback sa pelikulang pinagbibidahan niya na pinamagatang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa. Naging entry ito sa nagdaang Cinemalaya Film Festival, tapos ay umikot sa iba’t ibang lugar. Magkakaroon na ito ng commercial release sa December 6.

“After ng Cinemalaya, nag-tour kami, campus tour sa ilang selected places. Tapos, napaka-overwhelming ng response ng students and teachers. Nga­yon pa lang ang dami na na­ming commitments for block screening. Ang dami nang nagsasabi na papanoorin ng mga bata sa eskuwelahan. Ang dami nang nagsabi ng ano… ng very heartwarming support and I’m very-very excited,” pahayag ni Alfred.

Pinamahalaan at isinulat ni Direk Perry Escaño, ito’y ukol sa pagpapahalaga sa eduka­syon at mga child warriors. Ang pangunahing tauhan dito na si Aaquil (Alfred) ay isang magsasaka sa liblib na lugar na napi­litang maging guro sa mga bata, kahit na siya ay isang no-read no write dahil hindi man lang nakatuntong kahit Grade-1. Ngunit, bukod sa kahirapan, makikita rin dito na sagwil sa edukasyong minimithi ng mga kabataan ang peace and order situation sa bansa at korupsiyon sa pamahalaan. Kaya ang iba sa kanila ay naging child warrior, humawak ng baril at pumatay ng kapwa, kahit sila ay mga bata pa lamang.

Sinabi rin niyang proud siya sa kanilang pelikula. “It’s an advocacy film. Para ito mabukas ang awareness natin sa mga nangyayari sa mga kabataan sa malalayong probinsiya natin. Children are being used to fight, pinapahawak sila ng baril, natututo silang pumatay ng kapwa nila. Pero dapat, they should be in school and being protected from these situations,” ani Congressman Alfred.

Saad niya, “Very powerful i­yong movie and one of the strengths of this movie is that malinaw na malinaw iyong message. I know after n’yo mapanood ‘yung movie, mayroong powerful na emotions kayong mararamdaman. Iyon, I guarantee.

Ang purpose ng pelikulang ito ay to advocate, to inform… Naalala ko ang sabi sa akin ng nanay ko na, ‘Huwag kang matatakot at huwag kang mahihiyang gumawa nang tama.’ Ibang-iba ‘yung satisfaction saka fulfillment ko sa movies.

“Kaya sana po ay suporta­han nila ang movie na ito dahil makikita nila ang nangyayari ngayon sa ibang mga kabataan,” wika ni Alfred na napapanood din ngayon sa teleseryeng Kambal Karibal ng GMA-7.

Incidentally, mula sa pagi­ging rated-X, sa ikalawang review ng pelikula ay naging PG-13 na ito.

Bukod kay Alfred tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, James Blanco, Miggs Cua­derno, Marc Justine Alvarez, Lou Veloso, Micko Laurente, Loren Burgos, Kiko Matos, Paul Sy, Garie Concepcion, Ernie Garcia, Tori Garcia, at iba pa.

BABY GO, MULING
PINARANGALAN
SA GAWAD AMERIKA
AWARD!

MULING pinarangalan sa Gawad Amerika award ang nag-iisang Maindie Queen na si Ms. Baby Go. Ang naturang grupo ay pinamumunuan ni Mr. Charles Simbulan at kabilang sa naiuwing karangalan ng lady boss ng BG Productions International ang Most Outstanding Filipino in the Field of Mainstream and Independent Cinema Fusion, Most Outstanding Charitable Foundation in the Field of Scho­larship Grants-para sa kanyang PC Goodheart Foundation International, at Star of The Night award.

Ayon kay Ms. Baby magi­ging inspirasyon niya ang naturang parangal para mas pagbutihin ang mga ginagawa niya bilang movie producer at businesswoman.

“Magsisilbing inspirasyon ito sa akin, itong ganitong mga parangal, awards at pagkilala para mas gumawa pa ako ng magagandang pelikula. Lagi  ko ngang sinasabi na proud ako sa mga movie na ginagawa ng BG kasi’y nananalo ito ng award, hindi lang sa Filipinas, kundi pati sa abroad, sa mga international filmfest.”

Sinabi ni Ms. Baby ang mga pelikulang nakatakda nilang gawin. “Dapat nilang abangan ang mga pelikulang gagawin ng BG Productions, apat ang naka-line up, abangan n’yo iyan, i­yong isa ay sa Italy isu-shoot. Hindi pa puwedeng sabihin, iyong kay Ms. Vilma Santos ang isa ri­yan. Okay na ang script, hinihintay na lang namin si Congresswoman Vilma,” nakangiting saad niya.

Ang BG Productions ang isa sa most awarded film outfit sa indie scene. Ang natu­rang kompanya ni Ms. Baby ay kinilala at pinarangalan hindi lang sa bansa, kundi sa maraming international filmfest. Kabilang sa award winning films nila ang Lauriana, LihisChild HausLautIadya Mo KamiArea, at iba pa.

Hinggil sa kanyang foundation na PC Goodheart Foundation International, last Saturday, December 2 ay pinangungunahan ni Ms. Baby ang pagbibigay ng parangal ng kanyang PC Goodheart Foundation sa mga karapat-dapat na indibidwal sa pamamagitan ng 2017 Diamond Golden Award’s Night. Isa na naman itong testimonya sa pagiging masipag na pilantropo ni Ms. Baby.

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *