Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tigil-pasada ng Piston kanselado (Jeepney strike tuloy sa Bicol)

KINANSELA ng transport group, Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang nakatakda nilang dalawang araw na tigil-pasada ngayong Lunes (4 Disyembre ) at Martes (5 Disyembre).

Ayon kay George San Mateo, pangulo ng PISTON, hindi nila itutuloy ang transport strike upang bigyang-daan ang ‘urgent’ Senate hearing na ipinanukala ni Senador Grace Poe sa 7 Disyembre, ang layunin ay talakayin ang panawagan ng mga transport group na itigil ang pagpapatupad ng jeepney modernization program.

Sinabi ni San Mateo,  imbes tigil-pasada ay magsasagawa sila ng transport caravan mula Quezon City hanggang Mendiola, sa Maynila ngayong Lunes, para kondenahin ang human rights violation ng pamahalaang Duterte.

“Sama-samang magmamartsa para singilin si President Duterte  sa paglabag at pangwawasak niya ng human rights ng mamamayan,” ani San Mateo.

Ngunit nagbabala si San Mateo na magkakasa pa rin ang kaniyang grupo ng transport strike sa Enero kung hindi magiging maganda ang resulta ng pagdinig.

Una nang iginiit ng PISTON na hindi kakayanin ng mga driver na palitan ng makabagong modelo ang kanilang mga jeepney, dahil napakamahal nito sa halagang mula P1.3 milyon hanggang P1.6 milyon.

ni ALMAR DANGUILAN

JEEPNEY STRIKE
TULOY SA BICOL

BAGAMA’T kinansela ng Piston ang itinakdang tigil-pasada ngayong Lunes at sa Martes, tiniyak ng transport group sa Bicol na itutuloy nila ang strike sa nasabing rehiyon upang tutulan ang jeepney modernization program ng gobyerno.

Ayon kay Ramon Rescovilla, secretary general ng grupo, walang kasigurohang matutuloy ang Senate hearing kaya kasado ang tigil-pasada sa Bicol.

Kaugnay nito, nangako si Senadora Grace Poe na iimbitahan sa nasabing pagdinig sa Senado si Transportation Secretary Arthur Tugade.

KANSELADONG
TRANSPORT STRIKE
OK SA PALASYO

NATUWA ang Palasyo sa naging pasya ng PISTON na kanselahin ang binalak na transport strike ngayon at bukas.

Umaasa ang Palasyo na makikipag-usap ang PISTON sa gobyerno at susuportahan ang matagal nang planong implementasyon ng PUV Modernization Program na may layuning bigyan ang mga commuter ng mas ligtas, mas maaasahan, kaaya-aya, environment-friendly at may dignidad na karanasan sa pagbibiyahe.

“We welcome the news that PISTON called off its nationwide jeepney strike scheduled on December 4 to 5. We remain optimistic that PISTON will soon engage with the government, and support the implementation of the long-delayed PUV Modernization Program, which only aims to provide our commuters a safer, more reliable, convenient, environment-friendly, and dignified commuting experience. On the online posts circulating that classes and work have been suspended nationwide because of the jeepney strike, there is no truth to that. There is no official announcement yet from the Office of the Executive Secretary regarding the suspension of classes and work,” ani Presidential Spokesman Harry Roque.

(ROSE NOVENARIO)

Kahit kinansela
ang tigil-pasada
LTFRB TULOY
SA BANTAY
KALSADA

SINIGURO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), handa silang magbigay ng ayuda sa mga pasahero sakaling magkaroon nang biglaang transport strike.

Ito’y makaraan ia­nun­siyo ng transport group PISTON, na iliban ang kanilang planong tigil-pasada sa 4-5 Disyembre.

“We will remain in our monitoring mode, we will not deactivate our JQRT (Joint Quick Response Team) … we have directed our enforcers to check the terminals of Piston, as well as their routes,” ani LTFRB Spokesperson Aileen Lizada.

Ayon kay Lizada, mayroon nakahandang 31 sasakyan at 22 pribadong bus ang gobyerno para sa mga pasaherong maaapektohan ng tigil-pasada.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …