Sunday , December 22 2024

5 bata, 1 pa patay sa Quiapo fire

ANIM katao, kabilang ang limang bata, ang namatay nang masunog ang isang residential area sa Quiapo, Maynila nitong Miyerkoles ng gabi.

Ang sunog ay umabot sa ikalawang alarma dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga bahay na pawang yari sa light materials, sa Arlegui Street.

“Bale ang ano kasi galing doon sa likuran. Biglang akyat din sa taas kaya apektado lahat ng unit,” pahayag ng residente na kinilalang si Nadjera Guiling.

Habang emosyonal si Asliya Dacu dahil nawawala ang kanyang dalawang anak na sina Jamalia, 8, at Jamaica, 2-anyos.

Hindi rin niya matagpuan ang pamangkin niyang sina Babylove Sampaco, 10, at Gerald, 9-anyos.

“Nasa trabaho po kasi ako, namamasukan lang po ako saleslady,” ayon kay Dacu.

Ang tupok na bangkay ng apat na bata ay natagpuan makaraan maapula ang apoy.

Ang isa pang biktimang namatay sa insidente ay kinilalang si Michael Ramos, 30, na pumasok sa bahay upang iligtas ang nasabing mga bata.

Dakong 3:00 am nitong Huwebes, natagpuan ang isa pang biktimang namatay, na isa ring bata.

Isa sa tinitingnang posibleng sanhi ng sunog ang electrical short circuit.

Sinabi ni Bureau of Fire Protection Manila Arson chief, Senior Inspector Reden Alumno, “Posible e, kasi talagang walang elektrikal ‘yan so ‘yan ‘yung possibility number one (sanhi ng sunog). ‘Di pa natin iniru-rule out ‘yung arson but may mga hearsay na may tatlong tao na pumunta riyan.”

“Isang possibility baka elektrikal. Nakita namin kanina ‘yung dinaanan namin ay may wire na nasunog. From there makikita mo talaga papunta sa likod,” dagdag niya.

Ang labi ng mga biktima ay agad dinala sa Golden Mosque at inilibing sa Norzagaray, alinsunod sa Islamic tradition.

3 SUGATAN,
60 BAHAY NATUPOK
SA TAGUIG

TATLO katao ang bahagyang nasugatan habang tinatayang 60  bahay ang nilamon ng apoy at 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Bonifacio Global City, Taguig City, nitong Miyerkoles.

Hindi binanggit sa report ng pulisya ang mga pangalan ng sugatang biktima.

Ayon sa ulat ng Taguig City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang pagsiklab ng apoy sa isang informal settlers community sa Zone 7, Mini-Park, BGC, malapit sa SM Aura dakong 5:00 pm nitong Miyerkoles.

Ayon sa isa sa mga residente na si Merly, nagsimula ang apoy mula sa inuupahang kuwarto malapit sa kanilang bahay.

Sinabi ng isa sa mga nasunugan na si Grace Ojeda, nakita niya sa bintana ang makapal na usok at malakas na apoy, dahilan upang tumakbo siya kasama ang kanyang mga anak palabas ng kanilang bahay.

Dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy at agad tinupok ang mga kabahayan.

Umabot sa Task Force Alpha ang naturang sunog habang 20 fire trucks ang nagresponde para apulain ang malakas na apoy.

Pansamantalang namamalagi sa tent ng basketball court at barangay hall ang mga pamilyang apektado ng sunog.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *