Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, ini-request ni Sharon para sa Unexpectedly Yours

NGAYONG gabi ang premiere night ng pelikulang Unexpectedly Yours at sigurado kaming kulang ang Cinema 7 ng SM Megamall sa rami ng supporters nina Robin Padilla, Joshua Garcia, Julia Barretto, at Sharon Cuneta na dadalo dahil maraming nasabik sa kanila pagkalipas ng 16 years.

Hindi na kami makikigulo sa premiere night, ‘di ba Ateng Maricris, bukas, Nobyembre 29 sa 1st day of showing na lang tayo manonood para mas lalo tayong mag-enjoy kaya tawagan mo na ang buong tropa, he, he, he.

Samantala, sa ginanap na presscon ng Unexpectedly Yours ay ikinuwento ni Robin kung paano siya inalok sa pelikula.

Aniya, “hindi ko naman talaga pelikula ito eh, pelikula nina Sharon at Gabby (Concepcion) ito.  

“Kasi dinadala ko ‘to, ang istorya ay iyon ang nakarating sa akin, marahil hindi iyon ang nakarating sa ‘yo (Sharon). Sabi sa akin, kailangan mo ako. Totoo, walang halong kasinungalingan ‘yan.”

Nabanggit ng aktor na abala siya dahil may dalawang pelikula siyang isinu-shoot, “‘yung ‘Bad Boy 3’ at ‘yung ‘Marcelo del Pilar’ sa sarili kong produksiyon.

“Tinawagan ako ni Ms Malou (Santos), ang sabi niya, ‘kailangan ka ni Sharon. ‘Yan ang totoo!”

At kaya pala napasok sa eksena si Binoe ay dahil tinanong si Sharon kung sino ang gusto niyang maging leading man.

“Tinanong kasi ako, sabi sa akin, ‘sino ngayon ang gusto natin (leading man), ito, si ganito o si ganyan,” kuwento ng aktres.

Sabay tanong ni Robin, “sinong sinabi mo?” 

“Robin!” say kaagad ng Megastar.

Napangiti ang aktor at sabay sabing, “O, ‘di lumabas ang katotohanan, hindi ko pelikula ang unang pinag-usapan, noong sumulpot na po, riyan lumabas si ma’am Vanessa (Valdez-writer). Roon po sila gumawa ng konsepto para sa amin (with Sharon). ‘Yun po ang istorya, hindi ‘yung si Gabby ang gaganap nito (Cocoy).

“Ako lang ang makagaganap nito! Sa lahat ng inibig mo, ako lang ang makakaganap nito! (hiyawan ang tao sa Dolphy Theater). Kahit mapanood ninyo ang pelikula, si Robin lang ang makagagawa nito, ‘’yung mayabang dito (role), walang makakaganap ng ganyang kayabang, ‘yun po ang istorya.”

Ang Unexpectedly Yours ay mula sa Starcinema na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …