Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Ipit gang timbog, 3 arestado

ARESTADO ng mga pulis ang tatlong hinihinalang miyembro ng Ipit gang makaraan biktimahin ang isang negosyanteng babae sa loob ng pampasaherong bus sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit sa Malabon City police ang arestadong mga suspek na sina Jhelmar Franco, 20; Mark Joshua Fuentes, 19, at Angelo Pioquid, 22,  pawang mga residente sa Batasan Hills, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Randy Billedo, sakay ng pampasaherong bus si Malona Basas, 37, ng Carlos St., Brgy. Apolonio, Quezon City.

Ngunit nang bumaba siya sa McArthur Highway sa Brgy. Potrero dakong 10:45 pm hinarang siya ni Franco habang ginitgit siya ni Fuentes at kinuha ang kanyang cellphone, na P38,000 ang halaga, at wallet na may lamang P5,000.

Nang mapansin ni Basas na nawala ang kanyang wallet at cellphone ay kinompronta niya si Fuentes ngunit agad ipinasa ang mga nakolimbat kay Franco.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang biktima sa iba pang mga pasahero na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.

Dinala ang dalawa sa Police Community Precinct (PCP-2)  ngunit bago isailalim sa imbestigasyon ay dumating si Pioquid na sakay ng Toyota Revo (XBH-387).

Habang nag-uusap ay may ibinigay si Fuentes kay Pioquid na pagka­raan ay nagmamadaling umalis sakay ng SUV.

Ngunit sinita si Pioquid ng mga pulis at nang buksan ang kanyang bag ay nakita ang cellphone at P5,000 na kinulimbat ng mga suspek sa biktima.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …