Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

11 tiklo sa liquid ecstacy party (Sa Global City)

INARESTO ang 11 katao makaraan maaktohan habang nagsasagawa ng liquid ecstacy party sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Siyam sa mga suspek ang nahuli sa aktong gumagamit ng droga tulad ng gamma butyrolactone o GBL, isang uri ng droga na binansagang li-quid ecstacy o date rape.

INIHARAP sa media ni PDEA Director General Aaron Aquino ang inarestong 11 indibiduwal, kabilang ang isang doktor, engineer at ilang modelo, makaraan maaktohan habang nagsasagawa ng liquid ecstacy party sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City. (ALEX MENDOZA)

“They use the dropper and put at least 2 drops of more sa inomin and then ma-high na ‘yung gumagamit. For the syringe, maybe i-siphon nila ‘yung liquid ecstacy and they will inject it to the vein para mas matindi ‘yung tama,” ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, target ng kanilang operas-yon sina Edmond Remegio at Malik Coronel, na sinasabing nagbebenta ng droga sa mga bar at club sa BGC.

Ngunit tumambad sa PDEA ang siyam pang indibiduwal, kabilang ang isang physician, engineer, at ilang modelo na karamihan, ay nakapang-ibabang suot lamang.

Dagdag ni Aquino, gumagamit ng droga ang mga suspek bago sabay-sabay na magtatalik dahil epekto ng ilegal na gamot na makapagpataas ng libido.

Bukod sa isang litro ng GBL, na higit sa P300,000 ang halaga, nakuha rin sa kuwarto ang 42-piraso ng ecstacy, i-lang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Babala ng PDEA, mas paiigtingin nila ang operasyon sa droga sa mga high-class hotel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …