Sunday , December 22 2024

2 Lamborghini, Ferrari kinompiska ng Customs (Overstaying sa Manila port)

KINOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang tatlong super cars, kabilang ang dalawang Lamborghini at isang Ferrari, dahil overstaying na sa Manila port.

Ang tatlong mamahaling kotse ay bahagi ng P24.2 milyong halaga ng shipments na kinompiska ng BoC dahil overstay sa port at dahil sa maling deklarasyon.

IPINAKIKITA ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña ang ilang luxury cars at steel products na kinompiska mula sa Manila International Container Port, aabot sa halagang P24.2 milyon, at nagmula sa Australia, China at United Arab Emirates. (BONG SON)

Kabilang sa kinompiskang mga kargamento ang overweight steel products, na pumasok sa Manila International Container Port (MICP) mula sa Australia, United Arab Emirates (UAE), at China noong 2016 at Mayo 2017.

Ang kinompiskang mga sasakyan ay used 2012 Lam-borghini Clardo, naka-consign sa isang Allan Garcia mula sa Apalit, Pampanga; isang 2006 Lamborghini Murcielago, naka-consign sa isang Veronica Angeles, mula sa San Rafael, Bulacan; at 2005 Ferrari F430, naka-consign sa isang Mary Joy Aguanta, mula sa Villa Trinita, Cagayan de Oro.

“MICP district collector lawyer Ruby Alameda issued a warrant for seizure and detention on the cargoes because of overstaying in the container yard of ICTSI,” ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Kinompiska rin ng BoC ang misdeclared shipment na natuklasang may kargang sasakyan ngunit idineklara bilang “personal effect and household goods.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *