Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korean nat’l sinagip sa kidnappers

SINAGIP ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang Korean national nitong Linggo, na sina-sabing dinukot ng kapwa tatlong Koreano at isang Filipino.

Ayon sa girlfriend ni Lee Jung Dae, ilang lalaki na nagpakilalang mga operatiba ng Bureau of Immigration ang pumasok sa kanilang apartment at pinosasan ang biktima.

INIHARAP ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang tatlong Korean national na sina Cha Jae Young, Chae Jae Su, Kim Min Kwan at isang Filipino na si Raymund Flores, umano’y mga miyembro ng kidnap-for-ranson group, na bumibiktima ng mga kapwa Koreano, makaraan arestohin sa mismong compound ng Bureau of Immigration (BI) sa operasyon ng mga ope-ratiba ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Intramuros, Maynila. (ALEX MENDOZA)

Aniya, nagpakita ang mga suspek ng warrant of arrest at mission order, nakasaad na si Lee ay may outstanding case hinggil sa paglabag sa immigration law.

Dinala si Lee ng mga kidnapper na humingi ng P1.2 milyong ransom.

Sinabi ni PNP-AKG Director Glenn Dumlao, dinala ng girlfriend ni Lee ang ransom money sa isang mall sa Angeles.

Gayonman, hindi pina-kawalan si Lee na kalaunan ay dinala sa Intramuros, Maynila at muling humingi ang mga suspek ng P1.2 milyong ransom.

Sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, ang mga Koreano ay bahagi ng kidnapping syndicate na bumibiktima ng kapwa nila Koreano, at sangkot ang ilang personnel ng Immigration BI at National Bureau of Investigation (NBI).

“Itong Cha brothers sila ang nagplano ng kidnapping at kumonek sila sa rogue nembers ng Bureau of Immigration and National Bureau of Immigration. Meron silang kasamang rogue members ng NBI at BI dito sa kidnapping na ito in the pretext na meron siyang violation sa immigration rules/laws,” pahayag ni Dela Rosa.

“Lumalabas na meron pa ta-yong hinahanap na dalawang BI agents at tatlong NBI agents. Hindi natin alam kung ito ay organic sa Angeles City or sa Region 3,” dagdag ni Dela Rosa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …