Tuesday , December 24 2024
MRT

Operasyon ng MRT tuloy — DOTr (Sa kabila ng safety concerns)

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) nitong Linggo, ipagpapatuloy ang operasyon ng MRT-3 sa kabila ng pagdududa kung ligtas pang sakyan ang nasabing train system.

Sinabi ni Transportation Assistant Sec. Elvira Medina, pinag-aaralan pa nila ang mga problema ng MRT at magsusumite ng rekomendasyon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Gayonman, tiniyak ni Medina na magpapatuloy ang operasyon ng MRT habang kinokompleto ang kanilang pagsusuri.

Kasabay nito, inihayag niyang mas magiging mahigpit ang DOTr sa pagpapatupad ng mga polisiya sa yellow lanes simula ngayong Lunes, bunsod nang inaasahang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan habang nalalapit ang Pasko.

Magugunitang kinuwestiyon nitong Huwebes ni Sen. Grace Poe kung ligtas pa sa mga pasahero ang MRT o dapat na itong ipasara upang makumpuni maka­raan ang ilang naganap na mga insidente.


PAGKALAS
NG BAGON
BUBUSISIIN

HINILING ng Department of Transportation (DOTr) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa naganap na pagkalas ng isang bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) nitong nakaraang linggo.

Sa text message sa mga reporter, sinabi ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez, dalawang oras siyang nakipagpulong kay NBI Special Action Unit head Joel Tovera nitong Linggo.

“Atty. Tovera will lead the investigation on the decoupling incident of the Light Rail Vehicle #68 from Index (train) #5, and the missing of the Messma Card, commonly referred to as the Black Box of the LRV,” aniya.

Ang nasabing pulong ay dinaluhan din nina MRT Director for Operations Mike Capati, MRT Safety and Security Unit (SSU) Chief Willy Serano, at kanyang assistant na si Jess Duque, at Dona Samson ng DOTr.

“I conveyed to NBI the message of Secretary Art Tugade that DOTr and MRT will fully cooperate in this investigation. We thank the NBI for immediately forming a team of investigators,” ayon kay Chavez.

“DOTr and MRT will no longer make any statement regarding the investigation. Hawak na po ito ng NBI. Kung may statement man, sila na po ang magbibigay sa mga susunod na araw,” dagdag niya.

Magugunitang kumalas ang isang bagon ng MRT sa riles sa pagitan ng Buendia at Ayala Avenue Stations nitong Huwebes ng umaga.

Nauna rito, sinabi ni Chavez, posibleng sabotahe ang nangyari, makara­an matuklasan sa imbestigasyon na nawawala ang black box ng kumalas na bagon.


DIGONG NAG-SORRY
SA MRT COMMUTERS

HUMINGI ng paumnahin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasahero dahil sa prehuwisyong pagsakay sa MRT-3.

May indikasyon aniya nang sabotahe kaya kumalas ang isang bagon mula sa karugtong na bagon kaya’t iniimbestigahan ang insidente.

“It would indicate sabotage or something did it intentionally. So maybe the connecting mechanisms there or equipment seems to be — they could not locate it or it’s not there when it’s supposed to be there,” anang Pangulo sa press conference sa Davao City, kamakalawa ng gabi.

“Well, that is one angle that they are trying to… But this does not—this is not an excuse actually. We offer no excuse, but apologies maybe to the public for the inconvenience caused,” aniya.

Matatandaan, mula noong a-sais ng kasalukuyang buwan ay gobyerno na ang responsable sa maintenance ng MRT nang tanggalin ang BURI bilang maintenance provider bunsod ng umano’y mga nabistong anomalya.

Nasungkit ng BURI ang kontrata sa MRT noong administrasyong Aquino.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *