Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang Maine at Alden, nababantilawan na

MAY mga nagtatanong kung bakit malapit na ang Pista ng Pelikulang Pilipino pero wala pa ring kaingay-ingay ang pelikulang ilalahok nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Tipong nababantilawan na yata ang proyektong gagawin nila dahil hanggang ngayon wala pang gaanong balitang nadirinig sa dalawa.

May nakakapansin din na parehong hindi seryoso ang dalawa sa kanilang tambalan, mabuti pa sa mga endorsement ng iba’t ibang product maingay ang pangalan nila.


ARA, MARUNONG
MAG-SHARE NG BLESSINGS

NOONG birthday ni Direk Maryo Delos Reyes biniro ni Deborah Sun, ang premyadong director na isama naman siya sa mga proyekto nito.  At tinotoo naman iyon ng director.

Isinama siya sa isang teleserye ni Direk Maryo.

Ayon kay Deborah, kailangan niyang kumayod dahil sa kanyang mga anak at isa nga roon si Jam Melendez, utol ni Aiko Melendez.

Mabuti na lang at sinusuportahan silang mag-ina ni Ara Mina na kung tawagin niya ay hulog ng langit.

Kaya siguro malakas ang magic ng resto niya na nasa Commonwealth dahil marunong mag-share ng blessings ang aktres.


BAYAN NI EMPOY,
PASKONG-PASKO NA

MAAGA ANG Pasko sa bayan ni Empoy Marquez, ang Baliuag, Bulacan. Maaga pa kasi’y well decorated na ang Plaza De Baliuag.

Dagsa na rin ang mga dayuhang mangangalakal kaya’t sarado na ang kalye sa Poblacion na dating dinadaanan ng mga sasakyan. Baliuag Bazaar ang tawag nila roon.

May mga nakapansin na hindi yata kinaya ng second movie ni Empoy  na sundan ang tagumpay ng Kita Kita. Siguro kailangang kilala rin ang kapareha ni Empoy para mag-klik uli ito.


APO, WISH
NI ATE VI

MAGKAROON ng apo ang birthday wish ni Cong. Vilma Santos. Karamihan kasi ng mga kasabayan niya ay may mga apo na.

Nagkakaisa ang mga Vilmanian na sana magkatuluyan na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola para magkaroon ng katuparan ang inaasam-asam ni Ate Vi.

SHOWBIG
ni Vir Gonzles

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …