Tuesday , December 24 2024

Koko pinuri ang nagsitanggap ng Seal of Good Local Governance

BINATI ni Senate President Aqui­lino “Koko” Pimentel III nitong Martes ang lahat ng pamahalaang lokal na tumanggap ng Seal of Good Local Governance para sa taong 2017 mula sa Department of the Interior and Local Government’s (DILG).

May 448 local government units o LGUs ang tumanggap ng nasabing award, malaking pag-angat mula sa 306 pinarangalan noong nakaraang taon.

“Ang pag-angat sa bilang ng pinarangalan ay magandang senyales habang naghahanda tayo patungo sa Federalismo. Sa malalakas at may kakayahang LGUs ay nangangahulugang maaga nating matatamo ang benepisyo ng Federalismo,” diin ni Pimentel.

Natamo ng 28 probinsiya, 61 lungsod, at 359 munisipalidad ang istandard para sa Seal of Good Local Governance na ang pinakamarami ay mula sa Rehiyon I na 68 ang pinarangalan.

Para makatanggap ng Seal, dapat makuha ng LGU ang istandard sa apat na pa­ngunahing lara­ngan (pangangasiwang pinansiyal; kahandaan sa kalamidad; panganga­lagang panlipunan; at kapayapaan at kaayusan).

Dapat din nakatugon ang LGUs sa istandard ng isa sa tatlong mahalagang larangan (mabuting pakikitungo sa pagnenegosyo at pakikipagkompetensiya; turismo, kultura at si­ning; at pangangalaga sa kapaligiran).

Bawat pinarangalan ay tumanggap ng marker na maaa­ring ilagay sa kapitolyong panlalawigan, bulwagang panglungsod at munisipyo at maaaring makakuha sa Performance Challenge Fund, isang pondong magagamit para suportahan ang mga lokal na proyekto sa pagpapaunlad.

Ginagabayan ang Seal of Good Local Governance ng mga probisyon ng Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991,  General Appropriations Act of 2017 at Administrative Order No. 267 of 1992.

Si Pimentel, ay anak ni da­ting  Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, ang awtor ng Local Government Code, na nagtataguyod sa Federalismo at dagdag na awtonomiya sa mga LGU.

Ang Pangulo ng Senado ang  may akda ng Senate Bill No. 110 o “Bigger Pie, Bigger Slice Law” na magbibigay ng dagdag na pagkukuhaan ng LGUs kabilang ang koleksiyon ng Bureau of Customs mula sa mga pondong nakalaan sa kanila para lumaki ang kanilang bahagi mula  40% sa 50%.

Ani Pimentel, “Ang mga LGU ang sangay ng pamahalaan na malapit at laging nakikita ng ating mamamayan.

Mayroon dapat silang pagkuhaan at kakayahan na magkaloob ng mabilisang solusyon sa mga problemang nakaaapekto sa kanilang nasasakupan.”

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *