Saturday , December 21 2024
dead gun police

19-anyos ‘holdaper’ itinumba sa Kyusi

PATAY ang isang 19-anyos na hinihinalang holdaper makaraan pagbabarilin sa Barangay Payatas-A, Quezon City, nitong Linggo.

Ayon sa ulat, naglalakad pauwi galing sa inoman sa bahay ng kanyang tiyahin ang biktimang si Kevin Mendez nang barilin siya ng dalawang ‘di kilalang lalaki sa Rosal Street, salaysay ng mga kaibigang nakiusap na huwag pangalanan.

Ayon sa barangay tanod na si Sofronio Iquin, kilalang holdaper at tulak ng ilegal na droga si Mendez, residente sa Brgy. Commonwealth at madalas umanong tumambay sa Payatas.

Taliwas ito sa pahayag ng mga kaibigan ng teenager na inilarawan si Mendez na mabait at palabiro.

Ikinuwento ng mga kaibigan na bago umuwi, tinanong sila ni Mendez kung mayroong lalaking naka-jacket na naghahanap sa kanya, bagay na itinanggi nila.
Inamin ng mga kabarkada na may nakita silang kutsilyong nakasabit sa baywang ng biktima.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng baril at isang kitchen knife.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *