Saturday , April 12 2025
checkpoint

Drug courier nabuking sa checkpoint kalaboso

INARESTO ang isang hinihinalang drug courier makaraan makompiska-han ng shabu at P350,000 cash sa checkpoint na inilatag ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station (PS-5), kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Tomas Nuñez, hepe ng PS 5, kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang suspek na si Bernhard Gagarin, 37, tricycle driver, residente sa 6-B Tiburcio Extension, Brgy. Krus Na Ligas, Quezon City, inaresto dakong 8:40 am sa Bristol St., Brgy. Greater Lagro sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman, sinita ng mga operatiba sa checkpoint ang suspek na lulan ng motorsiklo dahil walang suot na helmet ngunit walang naipakitang dokumento ng motorsiklo ang driver.

Nang inspeksiyonin ang dalang bag ng suspek, nakita ang sachet ng shabu at P350,000 cash.

Sa imbestigasyon, inamin ng suspek na siya ay isang drug courier at ang dalang pera ay bayad sa droga na nakatakda ni-yang i-remit sa isang alyas Anok.

Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tinukoy na si Anok.

Napag-alaman din ng pulisya na si Gagarin ay isang drug surrenderee sa Brgy. Krus na Ligas.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *