Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilegal na sugal namamayagpag

PATULOY nga ba na kumakalat ang ilegal na sugal nang hindi man lang nalalaman ng matatapang at magigiting nating pulis?
Mahirap yata itong paniwalaan dahil batid naman ng lahat na matindi ang pang-amoy ng mga pulis kapag may ilegal na aktibidad na nagaganap sa kanilang nasasakupan.
Dito nga lang sa Pasay ay patok na patok ang ilegal na sugal sa Pilapil Street, Humildad Street, Maricaban area, Malibay area, Santo Niño area, Pasay Boulevard, Muñoz Street, Estrella Street at Maginhawa Street.
Bagaman bago ang bangka, nakarating sa amin na ginagamit umano nila sina PO3 Bebet Aguas at Caloy Colanding. Kahit ang mga kapitan ng barangay ay kumikita rito dahil tumatanggap daw sila ng P1,000 kada puwesto bawat araw.
May basbas daw ito nina Pasay City Mayor Tony Calixto at Pasay Police chief Senior Superintendent Diony Bartolome. Palabas lang daw na kunwari ay galit dito si Mayor Calixto.
Itong si Aguas na nakatalaga sa Headquarters Support Group ng Region 3 ay hindi raw nagdu-duty. Bukod sa hawak na color games ay nagsisilbi rin umanong kolektor ng ilang opisyal ng Southern Police District (SPD), Eastern Police District (EPD) at Parañaque Police.
Si Caloy Colanding naman ay may puwestong saklaan sa Ilaya, Divisoria sa Maynila at pati na sa Olongapo City.
Ang kanyang kapatid na si Brian Colanding ay nangongolekta naman daw para sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP. Ang koleksiyon ay nabili raw ng isang alyas “Dolphin.”
Ang ‘bentahan’ ng koleksyon ay uso na rin. Sa madaling salita ay gagarantiyahan ng isang grupo na buwan-buwan ay matatanggap ng CIDG ang napagkasunduang halaga.
Kapag mas malaki ang pera na nakolekta ng grupo sa mga ilegalista, ang sosobra ay sa kanila mapupunta. Pero kapag nagkulang ang nakalap ay dapat abonohan nila upang mapunuan ang halagang dapat mapunta sa CIDG.
Ano ang nangyayari sa pinamumunuan mo, CIDG director Chief Superintendent Roel Obusan? Wala ka bang alam dito, PNP chief Director General Ronald dela Rosa?
Bukod kina Calixto at Bartolome, tinatawagan din natin ng pansin sina Parañaque police chief Senior Superintendent Leon Rosete, SPD head Chief Superintendent Tomas Apolinario Jr., Eastern Police District (EPD) chief Senior Superintendent Romulo Sapitula, Manila Police District (MPD) head Chief Superintendent Joel Coronel at Olongapo City police chief Senior Superintendent Melchor Cabalza III.
Hahayaan ba ninyong patuloy na mamayagpag ang mga ilegal na sugal sa tungki ng inyong ilong nang wala kayong ginagawa? Paano maipatutupad ang batas kung bulag sa ilegal na kaganapan?
***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …