Friday , November 15 2024

‘Revolutionary government’ na planong itayo ni Duterte ilegal (Katapusang bahagi)

SA isang panayam kamakailan ay sinabi ni Duterte na mas pabor siya na itatag ang isang revolutionary government kaysa magdeklara ng martial law ayon sa batas.
Aniya, ayaw niyang nagre-report sa kongreso kaugnay ng pagdedeklara niya ng martial law kahit ito ang hinihingi ng batas. Idedeklara na lamang daw niya na bakante ang lahat ng posisyon sa gobyerno, kabilang ang kongreso at hudikatura.
Ang makitid na pangangatuwiran ay indikasyon ng kawalan nang pasensiya at paggalang sa batas na kanyang sinumpaang tutupdin. Maliban sa pagiging labag sa batas ng inaakala ni Duterte na mahusay na planong magdeklara ng revolutionary government para hindi masaklaw ng limitasyon ng Saligang Batas, ito ay mapanganib sa ating lahat.
Sa sandali na ideklara ni Duterte ang pagkakaroon ng isang revolutionary government ay tinapos niya ang kanyang kontrata o social contract sa bayan na kanyang pinamumunuan bilang pangulo at awtomatiko siyang mawawalan nang poder at kapangyarihan.
Dahil dito ay magiging bukas ang ating lipunan sa maaaring atake ng mga puwersa na naglalayong wasakin ang demokrasya sa ating bayan. Kasabay nito ay magiging isa na lamang mang-aagaw ng kapangyarihan si Duterte at hindi na isang lehitimong lider ng bansa.
Kung sakali na ideklara ni Duterte ang isang revolutionary government, malinaw din na itinakwil niya ang soberanya ng bayan na nagluklok sa kanya sa poder. Magkakaroon ngayon ng tinatawag na “political vacuum” na maaring maging sanhi ng kapinsalaan sa bayan at pambansang seguridad.
Kung magkakagayon, sa munting palagay ng Usaping Bayan, ay dapat agad kumilos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ayon sa batas at arestohin nang mabilis si Duterte kasabay ng pagkilala ng hukbo sa kanyang legal na kapalit bilang pangulo ng bansa upang maiwasan ang political vacuum.
Malinaw ang tungkulin na ito ng AFP na nakasaad sa Section 3 Article II ng Saligang Batas. Ayon sa probisyon nito: “Civilian authority is, at all times, supreme over the military. The Armed Forces of the Philippines is the protector of the people and the State. Its goal is to secure the sovereignty of the State and the integrity of the national territory.”
Ang estado, ayon sa konteksto ng batas, ay binubuo ng bayan, teritoryo, pamahalaan at soberanya o kalayaang magpasya.
Manalangin tayong mga may takot sa Diyos at mapagmahal sa kalayaan na huwag nating sapitin ang kalamidad na ibubunga kung itutuloy ni Duterte ang kanyang labag sa batas na plano. Manalangin tayo na magliwanag ang isip niya at manatili siya sa landas ng kanyang sinumpaang tungkulin.
Gayonman, para makasiguro ay hindi tayo dapat panghinaan ng loob bagkus ay dapat tayong masumigasig sa pag-aaral ng batas at pag-oorganisa upang kung sakaling baliin ni Duterte ang kanyang sumpa ay makakikilos tayo nang mapayapa upang tutulan iyon. ‘Ika nga ng matandang kasabihan…”nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.”
***
Pinapurihan ng mga environmentalist ang kilos ng pamahalaan na nagbabawal sa mga pinturang may tingga o lead. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *