Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Unli queen’ ng PCOO (The Who? Scandal)

ISANG kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang isinusuka ng mga empleyado ng Palasyo dahil mistulang anay na sumisira sa kanilang institusyon mapagtakpan lang ang sariling mga anomalya.

Kung tawagin siya ng kanyang mga kasamahan ay “Unli Queen” dahil napakalaki ng kanyang ‘unliquidated funds’ na umano’y umaabot sa kalahating milyong piso, ayon sa source sa Palasyo.

Lumobo nang husto ang pera ng bayan na hindi maibalik sa kaban ni ‘Unli Queen’ dahil sa ilang presidential trips na hindi natuloy at siya ay isa sa nagsilbing advance party ng Pangulo.

Upang mapagtakpan ang kanyang kakaibang hilig sa ‘pang-uumit,’ ginawa niyang Bombay ang gobyerno at hinuhulug-hulugan ang kanyang atraso ngunit ang masama, ayon sa source, sinisiraan niya ang halos lahat ng kanyang kasamahan sa amo nilang Undersecretary sa PCOO.

Binilog ni ‘Unli Queen’ nang husto ang ulo ni Usec para siya na lang ang pagkatiwalaan at laging isama sa presidential engagements sa loob at labas ng bansa upang makaipon ng kuwartang ipambabayad sa na-estafa niyang pera ni Juan dela Cruz.

“Yung may unliquidated funds sa lahat ng tanggapan ng Malacañang na kasama sa presidential engagement ay hindi pinapayagan sumama ulit hangga’t may atraso pa sa past events pero si ‘Unli Queen’ buong ningning na kasama lagi,” anang source.

Dahil bistado siya ng mga kasamahan, isa-isa niyang sinisiraan sa amo nilang Usec para hindi maikuwento ang tunay niyang kara at ang nais niyang mabiktima nitong mga nakalipas na araw ay isang Assistant Secretary.

“Dapat siya ang mapaalis dito dahil hindi siya college graduate na isa sa requirement sa puwestong inookupahan niya, ultimo tindera ng alahas sa Malacañang nang ilang dekada ay ginantso ni “Unli Queen” noong administrasyong Arroyo,” sabi ng source.

Ang tanong ng mga kawani, alam kaya ng pamunuan ng PCOO ang mga baho ni ‘Unli Queen?’

ni Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …