PINALAWIG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 20% deskuwento sa pasahe ng mga estudyante sa mga pampublikong sasakyan.
Batay sa utos ng LTFRB na inilabas nitong Lunes, 23 Oktubre, mayroon nang deskuwento sa pasahe ang mga mag-aaral tuwing Sabado at Linggo, bakasyon, at maging kung holiday.
Dati, maaari lamang makamenos sa pasahe ang mga estudyante sa mga pampublikong sasakyan tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Hindi sakop ng kautusan ang mga kumukuha ng post-graduate studies, maging ang mga nag-aaral ng medisina at abogasya.