Tuesday , December 24 2024

‘EJK’ aktibo sa Kamara

“MAGING sa Camara de Representantes ay may nagaganap na extrajudicial killings o EJK.”

Sinabi ito ng ilang kongresista matapos baliktarin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang impeachment proceeding laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andes ‘Andy’ Bautista kahit nauna nang sinabi ng House justice committee na ang impeachment complaint laban sa Comelec Chairman ay walang sapat na porma at sustansiya (form and substance).

Ayon mismo sa kapatid ni Bautista na si Dr. Martin Bautista, ang tanging hangad ng pagpupursige ng Kamara sa pangunguna ni Alvarez ay para lamang hiyain ang kanyang kapatid, dahil nauna nang nagbitiw sa tungkulin.

Ayon sa ilan, sumuko at itinaas na ang kamay ng kontrobersiyal na hepe ng Comelec pero sinagasaan at inilugmok pa ng ‘riding in tandem’ na mga kongresista. 

Maihahalintulad ito sa nagaganap ng giyera ng pamahalaan laban sa droga na hindi na pinasusuko ang mga akusado kundi pinagbababaril na lamang.

Sa pangunguna at panghihimok ni Alvarez ay binaliktad sa plenaryo ang pagbasura ng House committee on justice sa impeachment ni Bautista.

Ito ay sa kabila ng masusing imbestigasyon na isinasagawa ng ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR), National Bureau of Investigation (NBI) at ng Office of the Ombudsman tungkol sa bintang kay Bautista.

Sayang ang oras ng Kamara at ng Senado dahil nagbitiw na nga si Bautista, at may mga tamang ahensiya na ng gobyerno na nag-iimbestiga, saad ng ilang kongresista na tutol sa impeachment.

“It’s a spectacle, it’s a circus, it’s a public circus that will just expose the children, the family to unbearable conflict…” naghihinanakit na pahayag ng kapatid ni Bautista.

Ilan sa itinuturing na ‘EJK’ sa Kamara ang pagpapakulong sa 6 tauhan ng Ilocos provincial government o ang tinatawag na Ilocos 6 at ang pagbibigay ng P1000 budget sa Commission on Human Rights. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *