Saturday , November 23 2024

Comm. Isidro Lapeña pinaghilom ang ‘sugatang’ morale ng BoC employees

BOOSTING the morale of Bureau of Customs (BoC) employees is not an easy task.

Pero sinikap ni BoC Commissioner Isidro Lapeña na bigyan ng inspirasyon ang kanyang mga empleyado kahit bago pa lamang siya sa posisyon.

Pag-upong pag-upo niya ay agad niyang inihayag at idineklara na ibinubukas niya ang 587 promotions na matagal nang naghihintay para sa mga qualified personnel ng Bureau.

Nasa panahon ngayon ang Bureau of Customs (BoC) na bagsak na bagsak ang morale ng mga empleyado at tila nakatuntong sa numero ang mga opisyal dahil sa magkakasunod na daluyong na kanilang naranasan.

‘Yan ‘yung isyu ng P6.4 bilyong shabu at ‘tara’ system na hanggang ngayon ay iniimbestigahan ni Sen. Dick Gordon.

Dahil nga sa mga isyung ‘yan, pati pamilya ng mga empleyado sa BoC ay apektado nang husto.

At dito ipinakita ni Commissioner Lapeña na pumasok siya sa Customs hindi lang bilang isang punong opisyal na nag-uulat o nagbibigay ng kasiyahan sa kanyang mga big bossing.

Nang tanggapin niya ang pagiging Commissioner sa Customs, ipinadama niya sa mga empleyado na siya rin ay kanilang ama.

At ‘yan ang ultimong rason kung bakit niya ibinukas ang 587 promotions na nakabinbin sa halos dalawang administrasyon na nanungkulan sa BoC.

Umaasa si Commissioner Lapeña na sa pamamagitan ng pagbubukas ng promosyon ay magiging inspirasyon ito sa mga empleyado at opisyal ng Bureau para muling sumigla ang kanilang pagganap sa tungkulin.

Nang pumutok ang isyu ng ‘shabu’ at ‘tara’ system marami ang naging ‘tamilmil’ sa pagtatrabaho dahil baka makainitan sila kung makasisita ng mga ‘kontrabando’ kaya minabuti nilang mag-slow down na lang muna.

Agad naman nasuri at napagtanto ni Commissioner Lapeña ang sitwasyon kaya agad niyang inisip na pataasin ang morale ng kanyang mga tauhan.

Sana nga ay makatulong sa mga opisyal at empleyado ng BoC ang pagbubukas ni Commissioner Lapeña ng nasabing 587 promotions.

Sabi nga, kapag matamlay ang Customs, matamlay din ang ekonomiya ng bansa, kaya malaking salik kung masaya ang mga empleyado at opisyal sa kanilang pagtatrabaho.

Good job, Commissioner Lapeña!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *