Tuesday , December 24 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

NAIA worst airport no more (Salamat sa Duterte administration)

SA WAKAS, wala na sa listahan ng worst airport ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mabuti na lamang at inabot pa ng bagong administrasyon ang naiwang renobasyon ng administrasyon ni Noynoy Aquino.

Bilyon-bilyong pondo pero walang nakitang pagbabago ang overseas Filipino workers (OFWs) ang mga turista lalo ang mga Balikbayan.

Noong panahon ni hindot ‘este Bodet hindoropot ‘este Honrado lahat nang klase ng indulto mayroon sa airport.

Laglag-bala, tumutulong bubong, walang wi-fi, sirang CR, lahat ng kamalasan, name it, lahat ‘yan mayroon si Bodet.

Sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, magdadalawang taon pa lang sa Mayo 2018, kitang-kita na ang malaking pagbabago sa NAIA lalo sa terminal 1.

Papasok pa lang sa airport, magugulat ka na lang, naka-hook ka na sa internet.

Maliwanag, malinis, mabango, maayos ang CR, at mayroong maayos na upuan.

Kaya naman maayos din ang mga tanggapan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa loob ng NAIA gaya ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Bureau of Quarantine at iba pa.

Wish natin na sana’y hindi na magbago ang ganitong kaayusan sa NAIA, sa halip ay lalo pang bumuti sa mga susunod na araw.

Mabuhay ka, GM Ed Monreal!

Congratulations Secretary Art Tugade!

ALA-HARVEY WEINSTEIN
SEX SCAM SA ENTERTAINMENT
INDUSTRY MAY UMAMIN KAYA
SA LOCAL SCENE?

Nabulgar ang sex scam ng Hollywood titan na si Harvey Weinstein sa Estados Unidos.

Malalaking pangalan ang biktima at daan-daang libong dolyares ang ayusan o settlement.

Dito kaya sa Filipinas mayroon kayang umamin este mabulgar na kagaya niyan?!

Mga artista na ‘iniisahan’ ng producer?!

Maraming maingay na bulungan kung sino-sino ‘yang mga ‘mogul’ sa Philippine entertainment industry ang may kostumbreng ‘mamapak’ ng mga batang artista kapalit ng kasikatan — pero hanggang ngayon walang nagbubulgar.

Malamang, isama na nila sa hukay ang lihim na nakaririmarim.

Ang iba naman ipagpapasa-Diyos na lang kung ano man ang kanilang masamang karanasan.

Kaya kung mayroon mang nakaaahong mga batang artista sa kuko ng mga gahaman sa laman, dapat natin silang purihin dahil naitayo nila ang kanilang sarili.

Huwag na tayong magtaka kung bakit may mga artistang kapag nalalaos ay ibang landas ang natatahak.

Sana ay magkaroon ng malakas na actors guild ang entertainment industry upang maprotektahan ang kanilang sarili.

‘Yung mga producer na mahilig mansila ng mga bata, darating din ang paghuhukom sa inyo.

Remember, what goes around, comes around.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *