Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

STL lumikha ng 10,000 trabaho sa Mindanao

MAHIGIT 10,000 bagong trabaho ang nilikha sa Mindanao sa unang tatlong quarters ng 2017 sa kabila nang patuloy na karahasan na nagresulta sa deklarasyon ng martial law, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Ofice (PCSO) nitong Biyernes.
Ipinakikita lamang nito, ayon kay PCSO Mindanao operations head Gloria Ybañez, na dahil sa operasyon ng expanded Small Town Lottery (STL), hindi lamang ito nakatutulong sa gobyerno sa pagpapataas ng kita nito, kundi nakabubuo rin ng mga trabaho para sa libo-libong Filipino sa Mindanao, sa kabila ng nagaganap na krisis doon.
“STL is a big help for residents of Mindanao as we are giving them regular and legitimate work, we are giving hope to those who were jobless before but now employed because of STL,” ayon kay Ybañez.
Base sa PCSO data, hanggang 6 Oktubre, ang STL operations sa Mindanao ay nakabuo ng 10,318 trabaho para sa mga residente at layon din mapataas pa ang bilang na ito para lalong makatulong sa mga residente roon.
“Per our STL rules, employees, including bet collectors are required to wear uniforms and identification cards for easier identification against those who are doing illegal works,” dagdag ni Ybañez.
Sa kanyang panig, sinabi ni General Manager Alexander Balutan, patunay ito na ang STL ay hindi lamang nakatutulong sa pagbubuo ng kita para sa gob
yerno kundi nakabubuo rin ng mga trabaho para sa mga Filipino, lalo ang mga kapos sa edukasyon na nahihirapang maghanap ng disente at legal na trabaho.
“All employees are residents of Mindanao, and some of them came from illegal numbers game, but they have now chosen the STL because it is the only legal numbers game in the country and so they do not need to hide anymore,” pahayag ni Balutan, ipinunto ang karanasan ng ilan na kailangang magtago upang hindi mahuli ng mga pulis.
Sinabi ni Balutan, retiradong marine general, ibinuhos ang military career nang mahigit 20 taon sa Mindanao, ang lahat ay maaaring mag-apply para sa STL job, maging ang mula sa illegal numbers game kung nais nilang maging legal at tulungan ang gobyerno sa pagsugpo sa illegal gambling.
“This will be done by helping us report these illegal gambling operators who continue to use STL as a front to cover their illegal business,” ayon sa general manager.
Ayon kay Ybañez, hanggang Setyembre, ang PCSO Mindanao branch ay nakaipon nang mahigit P200 milyon mula sa STL revenues mula sa 21 operating Authorized Agent Corporations (AACs) sa buong Mindanao.
“Our 12 branches here have issued guarantee letters to 5,531 patients, amounting to more than P44 million (as of September), under the agency’s flagship program Individual Medical Assistance Program (IMAP),” aniya.
Kabilang sa 12 PCSO branches ang Agusan del Norte, Bukidnon, Davao del Sur, Davao Oriental, Misamis Occidental, Misamis Oriental, North Cotabato, South Cotabato, Surigao del Norte, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.
Ang STL ay inilunsad noong Enero na ang pangunahing layunin ay mapataas ang kita para sa gobyerno. Layunin din nitong masugpo ang illegal numbers game katulad ng jueteng, masiao, swertres, last two, virtual 2 at iba pang uri ng illegal gambling.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …