NAKALULUNGKOT na ang isang kapatiran o fraternity/sorority na dapat sanang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga ibig maging kaanib nito ang kung minsan ay nagiging daan sa kanilang kapahamakan kundi man maagang kamatayan.
Ang malungkot na katotohanang ito ay nabigyang buhay na naman nang masawi ang UST law student na si Horacio Castillo III sa isang initiation rites umano ng kapatirang Aegis Juris na kanyang pinasukan. Hindi maintindihan ng Usaping Bayan kung bakit kailangan ang mga rites of passage ng isang kapatiran ay maging mapanganib sa buhay at kalusugan gayong maraming pagsubok ang maaring gawin upang masukat ang tapang, tatag at katapatan ng isang neophyte.
Hindi tama na dahas at takot ang magbibigkis sa isang kapatiran sapagkat walang kahahantungan ito kundi kapariwaraan ng mga magiging kasapi. Higit na mas magiging matibay ang mga kapatiran kung prinsipyo na isinasabuhay ang saligang batayan ng pagkakaisa dahil dito uusbong ang respeto at tunay na pagmamahal sa kapwa.
Pansinin na ang mga kilusang aktibista ay isang kapatiran rin ngunit hindi dumaraan sa mararahas na initiation rites ang mga kasama rito. Gayonman ay malinaw na hindi matatawaran ang katapatan sa isa’t isa ng mga kasama sa kilusan kahit dekada na ang dumaan o kahit hindi na kumikilos ang mga kasama sa mga larangan. Nananatili ang respeto at disiplina dahil sa prinsipyong sinuso mula sa kilusan.
Oo nga’t may mga taksil din sa kilusan pero may mga gayondin sa mga kapatiran.
Frat man din po ang inyong lingkod at sa katunayan ay nagtayo po tayo ng kapatiran (Confraternitas Justitiae) sa Kolehiyo ng Batas sa Pamantasang Adamson pero ang itinanim ko sa aking mga kapatid ay isang bigkisan na ang saligang batayan ay prinsipyong makatao’t makabayan, hindi karahasan.
Miyembro din po ang inyong lingkod ng dakila at pandaigdigang kapatirang Masoneriya na lalong hinuhubog ang likas na kabutihan ng tao ayon sa kagustuhan ng Dakilang Arkiteko ng Kalawakan.
Ito’y mga patunay na hindi salungat sa pagkakaroon ng kapatiran ang kawalan ng karahasan.
Sa isang lipunan na pinaghaharian ng karahasan at kamatayan tulad ng sa atin sa ngayon ay malaki ang maitutulong ng mga kapatiran kung ang mga kasapi nito ay magiging ahente ng kapayapaan.
Mabigat ang responsibilidad ng mga kapatiran, hindi lamang sa kanilang mga kapatid kundi sa lipunang ginagalawan.
***
Isa sa mga suspek sa nakamamatay na initiation ng isang University of Santo Tomas law student bumalik ng bansa mula sa Estados Unidos. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.
Check Also
Mga senador na nasa tama, nagkamali
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …
“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!
AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …
Upakan sa Pasig umiinit
PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …
Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy
SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …
Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …