Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SWS: Digong’s drug war panalo sa masa

HALOS walo sa bawat 10 Filipino ang nasisiyahan sa isinasagawang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra ilegal na droga, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Sa huling survey na ipinalabas nito lamang Miyerkoles, iniulat ng SWS na 77 porsiyento ng mga Filipino ang sang-ayon at sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan na walisin ang problema sa droga.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar, malinaw na ipi-napakita ng resulta ng survey ang mataas na tiwala ng mamamayan sa naturang kampanya.

“Ito ang dahilan kung bakit patuloy nating isu-sulong ang kampanya laban sa salot na droga. Hindi po matitinag ang pamahalaan sa mga ikinakalat na paninira ng iba’t ibang grupo laban dito. Malinaw na suportado ang Pangulo ng karamihan sa ating mga kababayan,” ani Anda-nar.

Dagdag niya, sa kabila ng pagiging abala sa illegal drug campaign, na-nanatiling nakatuon ang atensiyon ng Pangulo sa mga programang mag-aangat sa katayuan ng mahihirap.

“Pinakamataas na prayoridad ang ibinibi-gay natin sa mga programang mag-aangat sa ka-lidad ng buhay ng mahihirap nating kababayan. ‘Yan po ang aming commitment sa kanila. Huwag lamang po tayong mai-nip at manatiling mata-tag sa panig ng Pangulong Duterte,” paliwanag ni Andanar.

Kasabay nito, iniulat din ng SWS na 71 porsi-yento o mahigit pito sa bawat 10 Filipino ang naniniwala na mas kumaunti o bumaba ang bilang ng mga drug suspect sa kanilang lugar.

Isinagawa ang survey noong 23-27 Setyembre 2017 kung kailan mai-ngay ang mga isyu sa extrajudicial killings. Batay sa survey ng SWS, hindi halos natinag ang paniniwala ng karamihan sa mamamayan sa drug campaign sa kabila ng kaliwa’t kanang pagbatikos ng simbahan at oposisyon.

“Satisfaction is still high. General satisfaction on the drug trade is still high,” ayon kay Vladymir Licudine, SWS director for Survey Design, Ana-lysis and Training.

Paliwanag ni Licu-dine, ang mataas na sa-tisfaction rating ay mula sa isang tanong sa survey na: “Gaano na karami ang drug addicts sa lugar ninyo?”

“Kasi ang sagot nila mas konti na. I think that is the basic response that I can give you… Kasi ‘yun lang naman ang consi-deration ng tao e. Nawawala ang drug addicts, I think that’s the basic consideration na tinitingnan ng tao roon sa satisfaction,” dagdag sa SWS official.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …