PAGKATAPOS ng presscon ng Seven Sundays ay nakasalubong namin sina Direk Toto Natividad at Malu Sevilla sa hallway ng ELJ building nitong Linggo at kaagad naming binati ang dalawa ng ‘congratulations po sa napakataas na ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano, grabe more than two years ng hindi natitinag.’
Kaagad namang nagpasalamat ang dalawang direktor.
Inalam ni Ateng Maricris Nicasio kung hanggang kailan si Cardo Dalisay (Coco Martin) sa bundok dahil miss na miss na siya sa Maynila ng pamilya niya lalo na si Alyanna (Yassi Pressman).
“Malapit na abangan ninyo,” nakangiting sabi ni direk Malu.
Dagdag naman ni direk Toto, ”ang dami kasing may gusto kay Coco sa rural.”
Base sa feedback ng manonood lalo na sa mga taga-probinsiya ay gustong-gusto nilang nasa Pulang Araw si Cardo.
Maging ang pagkakasama ni Senator Lito Lapid bilang si Pinuno ay pabor sa mga manonood.
Masayang kuwento ni direk Malu, ”bibilib ka ha, at his age, siya ang gumagawa ng stunts niya, wala siyang dobol, ayaw niya. Siya ang gumagawa ng routine. Kaya hands-off kaming lahat kay Senator.”
Hindi rin nakitaan ng pagka-inip si Senator Lito sa matagal na taping sa bundok bukod pa sa laging handa pagdating ng set at never na-late.
Sobrang pinuri rin nila ang anak ni Senator Lito na si Mark.
“Unang impression ko kasi kay Mark kasi politician din siya, mayabang, well aminin naman natin ‘di ba, may ganoong dating si Mark, pero sobrang mali ako, grabe napakabait niyang anak as in sobrang asikaso niya tatay niya.
“Si Mark ipinaghahain niya ang tatay niya (Lito), sinasabi niya, ‘o ‘tay kain na po’ at hindi aalis si Mark nang hindi sila sabay ng tatay niya. Minsan kasi tapos na eksena ni Mark, si Lito hindi pa, so hihintayin niya ‘yun at inaalalayan niya maski hindi naman kailangang alalayan kasi matikas at malakas pa naman si Senator.
“At ‘pag break time, sasabihin ni Mark, ‘tay mag-reading (script) na po tayo.’ Hindi ba nakatutuwa kasi nakita namin na ganoon pala ang samahan nilang mag-ama,” detalyadong kuwento ng direktora habang nakikinig naman si direk Toto.
Kuwento rin namin na nakalakihan siguro ni Mark ang ganoong pag-estima ng tatay niya sa mga kasamahan nito at empleado sa Senado o noong aktibo pa sa pelikula. Tanda kasi namin noong dumalaw kami sa set at sa bahay nila sa Pampanga ay talagang super-asikaso kami ng senador at siya rin mismo ang naghahanda ng pagkain sa mga bisita.
Nabanggit din naming napaka-epektibong kontrabida ni Jhong Hilariobilang si Alakdan na nakaiirita at maraming galit sa kanya.
“Ha, ha, ha so Jhong, oo napakahusay din. Halos lahat sila na mga taga-Pulang Araw magagaling,” saad ni direk Malu.
Biniro namin na mukhang hindi lang hanggang Enero 2018 ang airing ngFPJ’s Ang Probinsyano dahil imposibleng tanggalin ito ng ABS-CBN management na mataas ang ratings at never pa itong natalo nationwide.
Check Also
Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan
MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …
Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA
RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …
Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen
I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …
JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko
I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …
Dating sexy male star napeke ni aktres
ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …