Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Empoy, pressured sa The Barker (sa pagkokompara sa Kita Kita)

A post shared by VIVA Films (@viva_films) on



A post shared by Shy Carlos (@shyschai) on



PAGKATAPOS ng super blockbuster na Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi ay heto at may bagong pelikula na naman ang komedyante, ang The Barker kasama si Shy Carlos.

At dahil kumita ng P300-M ang Kita Kita kaya aminado ang binata na pressured ito sa parte nilang Team Barker, pero sana ay hindi ikompara.

A post shared by Push (@pushalerts) on



Ang The Barker ay first directorial job ni Dennis Padilla mula sa Blank Pages Productions at distributed naman ng Viva Films na siya ring nag-distribute ng Kita Kita.

Kuwento ng handler ni Empoy na si Tin Calawod, naunang i-shoot ang The Barker kaysa Kita Kita kaya lang nahinto ito dahil hindi mag-swak sa schedules ng cast.

Oo nga pati kasi ang direktor na si Dennis ay abala rin sa tapings ng seryeng La Luna Sangre na naging tatay-tatayan ni Kathryn Bernardo bilang Miyo.

A post shared by Starmometer (@starmometer) on



Ang saya-saya sa set ng The Barker dahil parang naglalaro lang ang lahat kasi naman parehong komedyante sina Empoy at Dennis kaya swak sila.

“Kahit na this is my first time na magdirehe, I never encountered any difficulties naman. Napakagaan na katrabaho ni Empoy. Para nga kaming naglalaro lang sa set. You will see it sa entire movie, ‘yung good vibes, ‘yung fun, everything!” saad ni Dennis.



Samantala, may cameo role si Sylvia Sanchez sa The Barker at tinanong namin kung anong klaseng direktor si Dennis, “alam niya ang ginagawa niya, focus siya,” saad ng aktres.

Kasama rin sina Jeric Raval, Wilma Doesnt, Ronnie Lazaro, Janice Jurado, at Nonie Buencamino sa The Barker na mapapanood sa Oktubre 25 nationwide.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …