Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mapalad si Secretary Roy Cimatu

KUMBAGA sa lighter na Zippo, one click lang ang kompirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay retired general Roy Cimatu bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Napaksuwerteng tunay!

Malayong-malayo sa kapalaran ni Madam Gina Lopez na hindi lang ilang beses nakaranas ng bypass kundi ilang beses pang naging biktima ng pang-iintriga ng kanyang detractors.

Sabi nga ng mga observer, iba raw talaga kapag mayroong suporta.

‘Yun ‘yon e! Suporta ang kailangan noon ni Madam Gina pero hindi dumating.

Para siyang dinala sa Lions’ den pero iniwanan at hindi na binalikan.

Kaya buong-buo nang ‘lunukin’ ng mga hayok sa kapangyarihan at mga pakinabang si Madam Gina.

By the way, ano ba ang mayroon kay retired general Cimatu na wala kay Madam Gina?!

Hindi naman puwedeng ‘balls’ kasi parang mas marami ngang ‘balls’ si Madam Gina kompara sa ibang opisyal ng gobyerno na naitatalaga ng administrasyon.

Siguro nga, nagkamali si Madam Gina nang isinapubliko niya ang kanyang sentimyento at damdamin tungkol sa illegal mining at open pit mining.

Siguro, kung naging tahimik si Madam Gina at pinigil muna niya ang simbuyo ng kanyang damdamin laban sa mga operator ng illegal at open pit mining, malamang nakalusot siya.

O kaya kinuha muna niyang ‘temporary adviser’ si Finance Secretary Sonny Dominguez, baka nakalusot siya nang walang kahirap-hirap.

Nakita ninyo si retired general Roy Cimatu, mula nang italaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte tahimik lang, walang ingay.

Kaya naman siguro mabilis pa sa one-click na Zippo ang kompirmasyon sa kanyang ad interim appointment ng makapangyarihang CA.

Anyway, congratulations General Cimatu, Sir!

Sabi nga ni tatay Digs, gusto niyang kasama sa Gabinete ang mga military man dahil may disiplina at mahusay magtrabaho.

Hihintayin din namin kung ipasasara ninyo ang mga illegal mining at open pit mining na labis na nakasisira sa ating kapaligiran.

Kumbaga sa isang apprentice, you are under observation, Secretary Cimatu.

BLOGGER RJ NIETO
PAKIBAWASAN
ANG YABANG, PLEASE…

Kung sino ang sampid, siyang malakas humamig.

Parang ganito ang karaktek ng blogger na si RJ Nieto o si Thinking Pinoy base sa ipinakita niyang asal sa Senado kamakalawa.

Aba e, minaliit pa ang P12,000 na ibinabayad umano sa kanya ng Department of Foreign Affair (DFA) bilang consultant.

Hindi naman daw niya kailangan ang DFA, ‘yung DFA daw ang nangangailangan sa kanya.

Nasaan ka na ba Republic Act 6713?!

Consultancy o plantilla position sa gobyerno, alam nating nasaskop ng batas na ito.

Ang isa pang labis na nakadedesmaya, ‘yung magpaskil siya at mag-post ng larawan sa harap ng tanggapan ni Senator Leila de Lima nilalait pa ang dating justice secretary.

Hindi ako maka-De Lima. Katunayan, isa tayo sa masugid na pumupuna sa kanya noon.

Pero it’s very inappropriate sipa-sipain pa ang isang nakalugmok na tao.

Nakakulong na nga ‘di ba? Nakadapa na, huwag namang apak-apakan pa.

Kahit na hindi tayo kakampo o kakampi ni Thinking Pinoy a.k.a. RJ Nieto, nanliit ang inyong lingkod para sa kanya, sa ipinakita niyang kayabangan at kaarogantehan sa social media at sa national TV gamit ang salitang demokrasya.

Wattafak!

Hindi kaya alam ni RJ Nieto ang kasabihang kung mahal mo ang nagpala sa iyo, huwag mo siyang hakutan ng kaaway.

Lumalabas tuloy na ‘yang mga kagaya ni RJ Nieto na hindi maawat sa kayabangan ay hindi nakatutulong sa administrasyon.

That’s the truth!

At hindi lang si RJ Nieto ‘yan. Marami sila na sa sobrang ‘hangin’ e pati tuktok napapanot!

Bawas-bawasan ang yabang at sabi nga ni Senator Grace Poe, alamin ang inyong mga job descrption.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *