Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay GF ng Las Vegas gunman nasa Japan

HABANG pinapaulanan ng bala ng kanyang boyfriend ang concertgoers sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, nagliliwaliw naman si Marilou Danley sa pamamasyal sa Japan at Filipinas kasama ang kanyang mga kaibigang babae, ayon sa inisyal na mga ulat.
Itinuturing ng mga awtoridad sa Estados Unidos si Danley, 62, na isang person of interest dahil sa kanyang kaugnayan kay Stephen Paddock na siyang namaril at nakapatay sa 59 katao at ikinasugat ng mahigit 500 mula sa ika-32 palapag ng nasabing resort-casino.
Nakapag-check in si Paddock sa Mandalay Bay gamit ang ID ni Danley.
Matapos ang madugong insidente, agad nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa mga kaibigan at pamilya ng gunman, at gayondin kay Danley ngunit napag-alamang ipinawalang-sala sa kahit anong kaugnayan sa pamamaril. Gayonman, hindi pa rin natutunton ang kinaroroonan ni Danley.
Batay sa ulat ng Australian daily na Courier Mail, umalis mula sa Filipinas si Danley may dalawang linggo na ang nakalilipas at pinaniniwalaan ng US authorities na ngayo’y namamasyal sa Tokyo, Japan.
Hindi pa man natatagpuan, isang palaisipan ang pagkatao ng Pinay sa kabila na may LinkedIn profile na nagsasabing isa siyang high-limit hostess sa Atlantis Casino Resort.
Dangan nga lang ay inihayag ng tagapagsalita ng nabanggit na resort na matagal nang hindi nagtatrabaho sa kanila si Danley.
Noong 2015, inilista ng Pinay ang isang downtown Reno address na pag-aari ni Stephen Paddock bilang kanyang tahanan simula pa noong 2013. Kasunod nito’y lumipat ang dalawa sa Somersett neighborhood sa Reno.
May nagsasabi na ikinagulat nilang nagkarelasyon si Danley kay Paddock.
“She had nothing to do with this psycho . . . The poor lady, she is in the Philippines visiting family,” wika ng isa na tumangging magpakilala.
Ayon naman sa isa pang kaibigan ni Danley na si Betty Dixon, mabait na babae umano si Danley.
“She is so warm, so outgoing. She was so sweet,” ani Dixon.
ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …