Thursday , December 26 2024
SSS

SSS contribution itataas hanggang 12.5 porsiyento

Tuwing magpapalit ng presidente, nagpapalit din ang mga opisyal ng SSS. Political accommodation kumbaga.

‘Yung mga appointed, siyempre inaasahan na magpe-perform nang tama, kasi nga pinagkakatiwalaan sila ng Pangulo.

Pero paano kung ang mga nakaupo e wala naman palang gagawin kundi pahirapan lang ang mga mamamayang bumoto kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?!

Gaya nga nang inakala natin na henyo ang mga opisyal ng SSS?! Akala natin mag-iisip sila ng paraan kung paano patataasin ang kita ng SSS nang hindi pahihirapan ang sambayanan.

‘Yun pala, ang magiging solusyon lang nila, itaas nang 12.5 porsiyento ang kontribusyon ng mga miyembro.

Ang bawat kontribusyon po sa SSS ay mula sa 7.37% share ng employer at 3.63 share ng employee.

Kaya kung ipatutupad na ang 12.5 porsiyentong pagtataas, tiyak na dagdag pasanin ‘yan sa employer at sa employee.

Ang alam natin, nandiyan ang abogadong si Dean Amado Valdez at ang presidente nilang si Emmanuel Dooc.

Si Valdez ay eksperto sa batas. Si Dooc ay eksperto sa insurance mula sa Philam Plans Inc., Philippine American Life at General Insurance Company.

Pero ‘yung expertise nila na ‘yan, ang naging sagot lang nila sa kinakaharap umanong pagkaubos ng pondo ng SSS ay magtaas ng kontribusyon.

Ang gagaling ‘di ba?!

Alam ba ninyong tayong mga Pinoy ay kinaiinggitan ng maraming bansa dahil marami tayong mga kabataan na nagtatrabaho at nag-aambag ng kontribusyon sa SSS?!

‘Yang mga ambag na ‘yan, ay magagamit ng elderly natin bilang pension nila (sa ganoon kasimpleng pag-unawa), pero ang member’s contributions po ay isinasapi sa mga negosyo o sa mas malalaking insurance companies para kumita.

Sa ganyang paraan po ay matutugunan ang pangangailangan ng members and pensioners sa hinaharap.

At ‘yan po ang kalamangan nating mga Pinoy. Habang ang mga taga-ibang bansa ay may problema sa lumiliit na populasyon at nauubos na kabataan kaya nangangamba sila na wala nang mag-aambag ng SS contributions para sa kanilang pension sa kanilang bansa.

Kaya nakapagtataka, sa dami ng mga kabataang empleyado, young professionals, at iba pang sector sa pag-i-empleyo na may ambag sa SSS, bakit kailangnan pang magtaas ng kontribusyon?

Ano ba ang tunay na lagay ng SSS? Bakit hindi nag-uulat kung magkano ang kinita at kung ano-anong kompanya mayroong sapi ang SSS? Magkano ang suweldo ng mga opisyal?

Bakit kapag ang mga bagay na ‘yan ay hirap na hirap mag-ulat ang SSS? Pero kapag gustong magtaas ng kontribusyon, ang bilis-bilis?

Aba, e kung pagtataas lang ng kontribusyon ang gagawin ninyong solusyon, kahit sinong opisyal ng SSS kayang-kayang gawin ‘yan.

Hindi ba harap-harapang panghoholdap ‘yan?!

Aba, ibalik ninyo ang naisuweldo sa inyo!

Harang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *