Monday , December 23 2024

BSK polls tuluyang iniliban sa 2018

MANANATILI sa kanilang puwesto ang mga kasalukuyang nakaupong opisyal ng barangay hanggang mahalal ang mga papalit sa kanila sa 14 Mayo 2018, alinsunod sa batas.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10952 na pinahihintulutan ang pag-urong sa BSK elections hanggang sa ikalawang Lunes ng Mayo 2018.

Iniusog ang halalan na dapat sana ay gagawin ngayong 23 Oktubre 2017 dahil ayon sa pangulo, 40 percent ng barangay officials ang sangkot sa ilegal na droga.

Tinanggap at ikinatuwa ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon ng pangulo na pagpapaliban ng eleksiyon.

“The Comelec welcomes the news that the President has just signed the law postponing the Barangay and Sangguniang Kabataan elections,” ani James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec.

Nag-abiso na umano ang Comelec sa mga katuwang nilang ahensiya na itigil muna ang aktibidad na may kaugnayan sa halalan.

“The Commission en Banc will be issuing the necessary Resolutions to effectuate this new law. In the meantime, we advise all deputized agencies and election partners to immediately begin ramping down their election related activities and await more detailed instructions and guidelines from the Commission on how to move forward,” pahayag ni Comelec Chairperson Andres Bautista.

Ang mahahalal sa Mayo 2018 ay uupo nang dalawang taon upang masunod ang nakatakdang petsa ng halalan para sa 2020.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na iniliban ang BSK elections.

ni Alexis Alatiit

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *