Monday , December 23 2024

Arrest warrant vs misis ni Enzo Pastor pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (C) ang arrest warrant na inisyu ng Que-zon City court laban kay Dalia Guerrero-Pastor kaugnay sa pagpatay sa kanyang mister, si international race car driver Ferdinand “Enzo” Pastor noong 2014.

Sa resolusyon na may petsang 14 Setyembre, ibinasura ng CA Seventh Division ang apela ni Dalia na pigilan ang arrest warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 91 noong Marso 2015, bunsod nang kawalan ng metiro.

“Dalia failed to establish that she has a clear and unmistakable legal right which ought to be protected. She also failed to persuade us that there is extreme urgency for the relief,” ayon sa CA.

Tinanggihan din ng appellate court na desis-yonan ang argumento ni Dalia na walang ebidensiya ang prosekusyon na susuporta sa parricide case dahil ito ay posibleng mag-preempt sa merito ng pangunahing kaso.

Si Pastor ay pinatay noong 12 Hunyo 2014 sa kanto ng Visayas at Congressional avenues sa Quezon City habang patungo sa isa pang karera sa Clark International Speedway sa Pampanga.

Nagsagawa ang Department of Justice (DoJ) ng preliminary investigation, nagresulta sa paghahain ng kasong parricide laban kay Dalia at sa negosyanteng si Sandy de Guzman, bilang umano’y mastermind sa krimen.

Sinabi ng ama ni Enzo na si Tomas Pastor, sina Dalia at De Guzman ay ilang taon nang may relasyon, at nakatakda nang magpakasal.
Si Dalia, ilang taon nang nagtatago, ay kasalukuyang nasa listahan ng wanted persons sa International Criminal Police Organization.



About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *