Monday , December 23 2024
MAINGAT na pinasok ng mga operatiba ng Manila Police District-MPD-SOCO ang Aegis Juris Law Resources Center sa Laong Laan St., Sampaloc, Maynila upang kumalap ng karagdagang mga ebidensiya karumal-dumal na pagkamatay ni  UST freshman law student Horacio Tomas “Atio” Castillo III dahil sa hazing. PANSAMANTALANG pinalaya si John Paul Solano, isa sa pangunahing mga suspek sa pagkamatay ni hazing slay victim Horacio Tomas “Atio” Castillo III, makaraan magpalabas ng release order ang Department of Justice (DoJ). (BONG SON)

Frat’s library sinuyod para sa ebidensiya (Solano laya sa hoyo)

SINUYOD ng mga awtoridad sa Manila Police District (MPD) ang Frat Library ng Aegis Juris na pinaniniwalaang pinangyarihan ng hazing sa namatay na 22-anyos UST freshman law student na si Horacio “Atio” Castillo III nitong Huwebes, 28 Setyembre.

Ayon kay Supt. Erwin Margarejo, ang mga nakolekta nilang ebidensiya ay “object evidence” at “forensic evidences” na malaking tulong sa pagpapatuloy ng kaso sa pagkamatay ni Atio. Isa sa mga ebidensiyang nakalap nila ay ‘paddle’ na maaaring ginamit ng mga suspek kay Atio.

Ani Margarejo, malaki ang posibilidad na ginawa ang hazing sa isang saradong lugar kaya’t ang mga ebidensiya ay maaaring hindi naapektohan ng lagay ng panahon. Ang antas ng mga ebidensiyang nakalap ay susuriin umano ng judicial authorities.

Dagdag ni Margarejo, ang validity ng search warrant ay 10 araw kaya’t maari silang bumalik sa lugar anomang oras sa loob ng 10 araw.



Hinggil naman sa ibang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na hindi pa naaaresto, ani Margarejo, nagpapatuloy at mas pinaigting pa umano nila ang manhunt operation sa kanila.

Pansamantala na ngang nakalaya si John Paul Solano, isa sa mga suspek sa pagkamatay ng 22-anyos na law student na si Horacio “Atio” Castillo III noong Huwebes, 28 Setyembre matapos maglabas ng utos ang Department of Justice (DOJ) noong Miyerkoles, 27 Setyembre hinggil sa paglaya ni Solano.

Matapos maunsiyami ang paglaya ni Solano noong gabi ng Miyerkoles dahil hindi nila agad natanggap ng ang release order, pasado 1:00 pm ng Huwebes tuluyang nakalabas ng kulungan si Solano matapos magdaan sa medical examination.

Sinamahan siya ng kanyang mga legal counsel na sina Atty. Edzel Canlas at Atty. Niño Servañez.



Ayon kay Solano, hindi pa tuluyang nagsi-sink in sa kanya na makalalaya na nga siya. Aniya, nais muna niyang ma-kipagkita sa kanyang pamilya pagkalabas ng kulungan.

Dagdag ni Solano, papatunayan umano niya na wala siyang kasalanan sa pamamagitan ng pagsasabi nang totoo sa korte. Nais rin umano niyang makatulong sa pagkakamit ng hustisya sa pagkamatay ni Atio. Nagpaabot muli ng pakikiramay si Solano sa pamilya Castillo.

Samantala, nilinaw ni Supt. Erwin Margarejo na ang pagpapalaya kay Solano ay hindi nangangahulugang absuwelto na umano sa mga kasong isinampa laban sa kanya. Nangangahulugan umano itong nangangailangang magsagawa ng preliminary investigations.

Sa 4 Oktubre at 9 Oktubre isasagawa ang preliminary investigations kay Solano hinggil sa pagkamatay ni Atio.

(LOVELY ANGELES)



About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *