Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim at Gerald, naghiwalay na naman

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on



CRYING in the rain ang drama nina Kim Chiu at Gerald Anderson bilang sina Bianca at Gabriel sa episode ng Ikaw Lang ang Iibigin nitong Lunes dahil kinailangan na nilang maghiwalay para sa ikatatamik nilang pareho.

Parehong kumukulo ang dugo sa isa’t isa nina Bianca (Kim) at Rigor (Daniel Fernando) dahil naniniwala ang una na may kinalaman ang huli sa pagkamatay ng inang si Maila (Bing Loyzaga).

Gayundin si Gabriel (Gerald) na galit na galit sa kinikilalang amang si Rigor (Daniel) dahil sa paniniwalang pinatay nito ang kinikilalang inang si Victoria (Ayen Munji-Laurel).

At dahil litong-lito na si Carlos (Jake Cuenca) ay kinailangan na nitong maglabas ng bigat ng dibdib kaya naipagtapat niya sa babaeng may gusto sa kanya na si Isabel (Coleen Garcia) na si Rigor (Daniel) ang tunay niyang ama at may kinalaman sila sa pagkamatay ni Maila (Bing).

Kaya huwag na huwag aawayin o pagdiskitahan ni Carlos (Jake) si Isabel (Coleen) dahil baka mapundi o madulas ito at ibulgar ang lihim nito.

Samantala, pinaiimbestigahan na ni Roman (Michael de Mesa) sa mga pulis si Rigor (Daniel) dahil naniniwala siyang may kinalaman ito sa pagkamatay at pagkapilay ni Maila (Bing).

Ang tanong sino ang tumulak naman kay Victoria (Ayen) para tuluyan siyang mahulog sa building at mamatay?

At si Arci Munoz kaya ang magiging ka-love triangle nina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim) dahil magiging boss ng binata ang sexy actress?

Anyway, abangan ang mga revelation sa Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-It’s Showtime mula sa Dreamscape Entertainment at sina Onat Diaz at Dan Villegas naman ang direktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …