ANG mga taong may malapad na kuwadradong hugis ng mukha ay may mataas sex drives at mataas ang tsansang mangaliwa, ayon sa nabatid sa isang pagsasaliksik.
Nabatid ng mga mananaliksik, ang mga taong may malapad na mukha ay higit na agresibo at mas “sexually driven.”
Sinukat ng team sa pa-ngunguna ng psychologist na si Steven Arnocky sa Nipissing University, Ontario, ang mukha ng 145 undergraduates na may mga karelasyon at kinapanayam hinggil sa kanilang sekswal na pamumuhay.
Ang mga may malalapad na mukha ay higit na relax ang saloobin hinggil sa casual sex, na iniugnay sa tendencies katulad ng “unethical behaviour, prejudice and psychopathic traits.”
Sila rin ang mga mas nakagagaan sa buhay at higit na kabigha-bighani sa opposite sex para sa one night stand.
Umaasa ang mga mananaliksik na ang “findings” na ito ay magbibigay-linaw na ang hugis ng mukha ay may papel na ginagampanan sa sexual relationships at pagpili ng magiging kapareha.
Ang bawat estudyante ay sinagot ay mga tanong hinggil sa kanilang interpersonal behaviour, sex drive, sexual orientation, at ang tsansa na ikonsidera nila ang pangangaliwa.
Itinanong din sa kanila ang tungkol sa sociosexual orientation – pagsusukat kung gaano ka-komportable sa kanila ang konsepto ng casual sex – at kung ilang beses silang nag-masturbate kada buwan.
Kinuhaan ng larawan ang bawat estudyante u-pang analisahin ang kanilang facial width-to-height ratios (FWHR).
Nauna rito, nabatid sa pagsasaliksik ni Dr. Lefevre, na ang mga lalaking may malalapad na mukha ay may mataas na level ng testosterone ngunit nagbabala laban sa pag-simplify sa kanyang latest findings.
“One thing that is important to remember is that we are seeing relatively small correlations here,” aniya.
“That means that there is only a tendency for wider-faced people to have a greater sex drive, not that every person with a relatively wide face is a sex maniac.”
Sa nakaraang eksperimento, nabatid na ang may malalawak na mukha ay nagtataglay ng mga pag-uugali katulad ng “prejudice, psychopathy, financial success, ambition, questionable ethics and attractiveness.”
Ang nasabing pagsasaliksik ay inilabas sa journal Archives of Sexual Behaviour. (mirror.co.uk)