Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solano, 17 pa inasunto sa Atio hazing slay

ISINAILALIM sa inquest proceeding sa Department of Justice (DoJ), kasama ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, si John Paul Solano, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa UST law student na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III sa hazing ng Aegis Juris Fraternity. (BONG SON)

SINAMPAHAN ng pulisya ng kasong kriminal sa Department of Justice ang 18 katao kaugnay sa pagkamatay sa hazing ng UST freshman law student na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III.

Si John Paul Solano, ang nagdala sa ospital kay Castillo, ay kinasuhan ng murder, perjury, obstruction of justice, robbery at paglabag sa Anti-Hazing Law ng Manila Police District (MPD).

Habang nahaharap sa kasong murder, robbery at paglabag sa Anti-Hazing Law sina Antonio Trangia, Ralph Trangia, Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Ranie Rafael Santiago, Oliver John Audrey Onofre, Jason Adolfo Robiños, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Karl Matthew Villanueva, Joshua Joriel Macabali, Axel Mundo Hipe, Marc Anthony Ventura, Aeron Salientes, Marcelino Bagtang, Zimon Padro, Jose Miguel Salamat, at ilan pang hindi kilalang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Habang ang ina ni Ralph na si Rosemarie Trangia ay sinampahan ng kasong obstruction of justice.

Tanging si Solano ang sumailalim sa inquest proceedings sa DoJ dahil ang ibang respondent ay ikinokonsiderang “at large” ng pulisya.

Si Ralph at ang kanyang inang si Rosemarie ay lumipad patungong Estados Unidos nitong 19 Setyembre, habang si Antonio ay nagpadala ng surrender feelers sa mga awtoridad.

Sa isinagawang inquest proceedings, hiniling sa DoJ ng abogado ni Solano, na si Atty. Paterno Esmaquel, na i-dismiss ang kaso at iutos ang pagpapalaya sa kanyang kliyente.

Ayon kay Esmaquel, walang complex crime ng murder at paglabag sa Anti-Hazing Law, at si Solano ay ilegal na ikinulong dahil hindi subject ang akusado sa warrantless arrest.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …