Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Joyce, nagsalita sa tampuhan nina Vice Ganda at Coco

SPEAKING of Last Night, nakausap namin ng solo si direk Joyce Bernal pagkatapos ng Q and A presscon at inusisa namin kung may alam siya sa tampuhan nina Coco Martin at Vice Ganda dahil nagkanya-kanya silang pelikula sa 2017 Metro Manila Film Festival.

“Mayrpon akong alam, pero hindi ko alam ang detalye. Hindi naman nagkukuwento si Vice. At saka si Vice ngayon, happy kaya I guess it’s a good competition. Baka kailangan din para lumebel up ‘yung gusto mong gawin at kung ano ang ini-expect mo sa career mo,” say ni direk Joyce.

Inamin ng direktora na noong 2016 ay movie project ni Coco talaga ang tinanggap niya.

“Honestly, ang inoohan ko talaga is Coco na project sumabay lang si Vice noong time na ‘yun nag-usap silang dalawa bilang magkaibigan. So feeling ko gusto talaga niyang (Coco) gumawa on his own project,” pahayag ni Binibining Joyce.

Walang maibigay na kompletong detalye si direk Joyce dahil mas mabuting sina Coco at Vice na lang ang tanungin para mas klaro.

Kaya ngayong MMFF ay magtatapatan ang The Revengers at Ang Panday.

Usaping Coco ay bilang na ang araw niya bilang Fernan sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil malapit na siyang mabuko nina Pinuno/Leon (Lito Lapid) at Amang (Dante Rivero) kasama na rin nina Alakdan (Jhong Hilario) at Anton (Mark Lapid).

Lagi kasing umaalis si Fernan para hatiran ng gamot at pagkain ang iniligtas niyang bihag na kapwa SAF na sina Ejay Falcon (Geraldo de la Paz) at Louise de los Reyes (Katrina Velasco).

Halatang may pagdududa na sa mga ikinikilos ni Fernan kaya naman ang dalawang kaibigan niyang sina Bulate at Butete ay sinundan siya at nabuking na ang lihim niya, pero dahil lumalim na ang pagkakaibigan nila kaya umayon na rin ang dalawa na pagtatakpan lahat ng ginagawa niya.

At para hindi pagdudahan kung bakit laging umaalis si Fernan ay nagprisinta sina Butete at Bulate na maghatid ng pagkain sa mga bihag na sina Ejay at Louise.

Paano kung sina Bulate at Butete naman ang masundan ng grupo nina Alakdan (Jhong) at Anton (Mark), ipagkakanulo kaya nila si Fernan? Kaya abangan ngayong gabi ang susunod na kabanata sa FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …