Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, huling gabi na ba sa La Luna Sangre?

NAILIGTAS na ng grupo ng mga lobo sa pangunguna ni Baristo (Joross Gamboa) ang miyembro nilang si Cattleya (Sue Ramirez) na isinangkalan ni Omar (Ahron Villena) kay Supremo/Gilbert Imperial) para maligtas ang asawa nitong nasa kamay ng mga bampirang pinamumunuan.

Wala kasi si Supremo ng mga sandaling iyon dahil magkikita sila ni Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) pero late dumating ang dalaga.

Nagapi ng mga lobo ang mga bampira ni Supremo dahil tinulungan sila ng babaeng nakapula na hindi nakilala nina Baristo kaya gigil na gigil si Supremo/Gilbert at pilit na pinahahanap kung sino ito at iisa ang nasa isip niya, si Lia dahil nga wala pa ito sa kanilang tagpuan.

Iba naman ang naisip ni Baristo (Joross) na ang babaeng tumulong ay si Samantha (Maricar Reyes-Poon) dahil sa pagkakaalam niya ay siya ang pinakamalakas na babaeng bampira sa ngayon.

Plano nang umalis ni Supremo/Gilbert nang dumating si Jacintha (Angel) at sinabi nitong nasiraan ang sasakyan niya kaya siya na-late, pero iba ang duda ng una dahil nga hindi rin nito makontak ang cellphone niya noong tawagan niya.

Base sa ipinakita sa La Luna Sangre ay tinuturuang sumayaw ni Jacintha si Gilbert, ”kailangan mong matutong sumayaw kapag kasayaw mo ang kaaway mo” at napatingin ang binata sa kanya.

Huling ipinakita nitong Biyernes na nakikipaglaban si Tristan (Daniel Padilla) sa mga bampira at nakita ito ni Malia kaya tutulungan niya ang binata.

Base kasi sa nakita ni Jethro (Dino Imperial) ay may mamamatay na Luna at si Tristan nga iyon kaya pinababantayan ang binata.

Kaya malalaman ngayong gabi kung ‘last night’ na ni Tristan bilang Luna at ano ang pagbabago sa karakter niya.

FACTSHEET
ni Reggee Bonoan



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …