MUKHANG hindi na talaga kayang patinuin ang sistema ng MRT.
Parang tatanggapin na lang ng commuters na talagang laging nasisira at tumitirik ang MRT.
Kung sa ibang bansa, malaking istorya ang pagkasira ng light rail system at may mga opisyal ng pamahalaan na nagre-resign, dito sa Filipinas, kapit-tuko at pakapalan na lang ng mukha.
‘Yan siguro ang ipinagmamalaking “change is coming” ng mga taong itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Department of Transportation (DOTr) na dapat namamahala diyan at nagto-trouble shoot ng mga problema.
Noong panahon ng dating pangulong si Noynoy, kung masira ang MRT, mga tatlong beses isang buwan.
Ngayon sa panahon ni Tatay Digong, tatlong beses isang linggo.
Wattafak!?
Sabotahe pa kaya ‘yan o talagang systemic na?!
Paging DOTr Secretary Art Tugade!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap