HINDI tayo nagkamali noong nakaraang banatan at i-expose natin ang issue tungkol sa raket ng mga airline “visa readers” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kamakailan lang ay lumabas sa mga pahayagan na isang airline visa reader kasabwat ang isang Arabic interpreter sa NAIA Terminal 1 ang sinakote ng grupo ng NAIA Airport police sa isang entrapment operation matapos ireklamo ng isang Chrysabelle Rose Pellejo, 26 anyos, at kaibigan umano ng dalawang Dubai bound na overseas Filipino workers (OFWs), pawang biktima.
Nagreklamo si Pellejo, matapos sabihan ng visa reader na kinilalang si Ali Al-Moarif Mangotara ang mga papaalis na OFWs na peke ang visa nila.
Sinabi rin na hindi sila makaaalis kung hindi sila makapagbabayad ng halagang P2,000.
Matapos ma-verify ng mga biktima sa POEA counter na genuine ang kanilang hawak na visa ay agad silang nagreklamo sa opisina ng Airport police na agad namang nagkasa ng entrapment operation.
Nakapiit ngayon ang dalawang sangkot sa Airport PNP detention at nahaharap sa mga kasong violation of Article 315 o swindling and estafa at violation of Article 214 para sa robbery and extortion.
Paktay kang bata ka!
Isa lang ang kasong ito sa kasalukuyang raket ng airline visa readers diyan sa tatlong terminal ng NAIA.
Marami na rin ang nakaaabot sa ating report na halos lahat daw ng OFWs na for departure ay kinakana lalo na kung aanga-anga ang mga pasahero.
Mas mabuti siguro kung ipaubaya na lang sa primary officers o Immigration officers ang pagrebisa sa mga visa ng mga pasahero.
Puwede naman bigyan na lang ng karagdagang seminar ang mga IO tungkol sa pagrebisa ng mga tunay na visa bukod sa access sa POEA database system sa Immigration counters na puwede rin ma-check kung may totoong OEC ang isang papaalis na OFW.
SUICIDE
SA SOLEMARE
PARKSUITES
SIR, bakit hindi nabalita ang suicide ng isang Chinese national na tumalon sa 17th flr bumagsak sa 3rd flr poolside ng Solemare Parksuites sa Macapagal Blvd., Pasay noong linggo madaling araw. May report na maraming Chinese nakatira diyan na involve sa online gaming. Inirereklamo nga sila ng mga tenant kasi ang iingay at nagse-sex pa sa fire escape.
+639154366 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com