Saturday , November 23 2024

Bakit hindi mag-resign si Chito Gascon para sa kapakanan ng CHR?

MATAPOS aprubahan ng Kamara ang P1,000 budget para sa Commission on Human Rights (CHR) lalo pang uminit ang isyu sa pinaniniwalaang malalang paglabag sa karapatang pantao ng ipinatutupad na giyera laban sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Ayon sa ilang human rights advocates, ang P1,000 budget para sa CHR ay tila “adding insult to injury” habang nag-aalboroto ang mga dukha na naniniwalang anti-poor ang anti-drug war na isinusulong ng administrasyon sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP). Kung babalikan natin ang pahayag ng Pangulo kaugnay ng kanyang maigting na kampanya sa ilegal na droga, una niyang inupakan ang public officials at nargo-generals na sangkot sa illegal drugs.

Hindi ba’t may iniladlad na listahan ang Pangulo na umano’y mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa droga?!

Isinampol pa nga ng Pangulo si Senador Leila De Lima na ngayon ay nasa kalaboso na dahil sa Bilibid drugs. Napatay naman sina Datu Saudi Ampatuan Mayor Samsudim Dimaukom, Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., at Ozamiz Reynaldo Parojinog Sr., dahil sa pagkakasangkot sa droga.

Kasunod ng mga pagkakapaslang na ito, na marami rin ang nag-ingay, ang sunod-sunod na pagtumba ng mga hinihinalang tulak o pusakal na adik sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Marami sa kanila ay hindi bigtime, sabi nga maglulupa lang, ‘yung sumisistema lang para makagamit.

Hanggang nitong nakaraang buwan ng Agosto, nagkasunod-sunod na ang pagpaslang sa mga kabataan na noong una ay nawawala hanggang matagpuang bangkay sa malalayong lugar sa kanilang tahanan.

Sa panahong ito, nabansagang anti-poor ang iwinawasiwas na giyera kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte sa pangunguna ng PNP.

At pagatapos biglang inaprubahan ng Kamara ang P1,000 budget ng CHR na ang Chairman na si Commissioner Chito Gascon ay laging nagpapahayag ng kanyang disgusto sa administrasyong Duterte.

Kung tutuusin, marami rin ang nagtatanong sa hanay ng mga mamamayan kung bakit tamilmil ang CHR sa napakaraming paglabag sa karapatang pantao.

Mismong ang inyong lingkod ay nakaranas ng pambabalewala sa ahensiyang ito ng pamahalaan. Naghain ng reklamo ang inyong lingkod laban sa mga pulis na umaresto sa akin noong 5 Abril 2017, araw ng Linggo at Pasko ng Pagkabuhay sa kasong Libel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Maliwanag na hindi lamang ako, bilang indibiwal, ang nilabag ang karapatang pantao. Binastos at dinahas din ng mga umarestong pulis ang press freedom at ang memorandum of agreement (MOA) ng press people at ng DILG/PNP.

Hindi ba’t maliwanag na pandarahas iyon? Hindi heinous crime ang kasong nakahain laban sa akin, kundi LIBEL.

Pero nang maghain tayo ng reklamo sa CHR, ‘e mukhang tinulugan lang.

Sa ganang atin, kung may delicadeza si Commissioner Chito Gascon, mas makabubuting mag-resign siya dahil klarong-klaro ang disgus-to niya sa Duterte administration.

Hindi rin naman makatuwiran na bilang chairperson ng CHR ay nakikita ng sambayanan na kaya niya pinupuna ang Duterte administration ay dahil nakakiling pa rin siya sa administrasyong nagtalaga sa kanya sa nasabing puwesto.
At hindi naman siya pinaplastik ng Kamara, ang gusto nga lang nila ay mag-resign si Gascon at muli nilang ire-realign ang budget ng Komis-yon.

Mukhang hindi na rin naman kaya ni Gascon ang kanyang tungkulin dahil sa estado ng kanyang kalusugan.

Iika-ika kung maglakad si Gascon, maputla at malaki ang inihulog ng katawan, tingin ba niya ay nasa tamang kalusugan pa siya para pamunuan ang CHR?

Maraming puwedeng pumalit kay Gascon. Nariyan ang mga Commissioner na sina Karen S. Gomez Dumpit, Gwendolyn Ll. Pimentel-Gana, Roberto Eugenio T. Cadiz, at Leah C. Tanodra-Armamento.

Kung hindi tayo nagkakamali, si Commissioner Armamento ay dating Undersecretary sa Department of Justice (DoJ) bago siya maitalaga sa CHR at nakikita natin na mapamumunuan niya nang tama ang CHR.

Dito maipakikita ni Gascon kung talagang siya ay nagmamalasakit sa sambayanan…

Pahinga na Commissioner Gascon.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *