NOONG nakaraang Linggo, ginulantang ang inyong lingkod sa napabalitang pagkakatakas ng isang puganteng Koreano na si Shin Jaewon.
Sonabagan!!!
Na naman?!
Well, what’s new!?
Si Shin Jaewon, 34 anyos, ay naaresto noong isang taon at nakakulong sa Bureau of Immigration Bicutan warden’s facility matapos mapag-alaman na may kaso pala itong “fraud” sa kanyang sariling bansa May pending warrant of arrest din ito sa Interpol.
Sinasabing sumalang ito sa medical check-up ‘kuno’ sa Quezon City matapos maglagay ‘este’ aprubahan ang kanyang application for medical pass.
Nakapagtataka naman na pinayagan ito ng kanyang mga Immigration job order “escorts” na dumaan sa SM Mall of Asia para raw lumafang ng tanghalian!
Sonamabits!
Di ba malaking kaistupiduhan ‘yan?!
Pugante at detainee papayagan mamasyal sa MOA!?
Sa ngayon daw ay mariing sinusuyod ang lahat ng lugar na malamang pinagtataguan ng pumugang Koreno.
‘Yan ay kung makikita pa nila ‘yan!
Sina Alveen Esguerra daw at Kerwin Gomez, kapwa hao-shiao ‘este’ Job Order (J.O.) employee ng ahensya ang magkatuwang na umescort sa Koreano ay kasalukuyan ngayong iniimbestigahan dahil sa kanilang katangahan ‘este’ kapabayaan!
Ang tanong ng nakararami, magkano ‘este’ bakit pinayagan ng tumatayong warden ng BI Warden’s facility na si Immigration Of-fixer este’ Officer Edward Maborang na mag-escort ang parehong job orders sa Bureau!?
Ano ang kanilang liability kung sakaling dumaan sa ganitong klaseng insidente ang parehong J.O.?
Pakisagot nga ang bagay na ito, parekoy?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com