Friday , August 1 2025

Biktima

NARAGDAGAN muli ang talaan ng mga kabataang nasasawi bunga ng karahasan matapos matagpuan ang bangkay ng 14-anyos na binatilyo na si Reynaldo de Guzman alyas “Kulot” sa isang punerarya sa Gapan, Nueva Ecija noong isang linggo.

Nakita raw ang katawan ni De Guzman sa isang creek ng mga residente ng lugar. Umabot umano sa 30 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at binalutan pa ng packing tape sa mukha. Ganito ang karaniwang nakikita sa mga biktima ng “extrajudicial killings.”

Si De Guzman ang kasama ng 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz, ang dating estudyante ng University of the Philippines (UP) Diliman, nang mawala sila noong 17 Agosto matapos umalis sa kanilang tahanan sa Cainta, Rizal na ang paalam ay bibili lang ng mapapapak. Si Arnaiz, anak ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East, ay napatay ng Caloocan City Police matapos silang rumesponde sa isang panghoholdap sa taxi noong Agosto 18. Nanlaban at nakipagbarilan daw kasi sa mga dumating na pulis kaya nasawi.

Pero hindi ba gasgas na gasgas na ang katwirang ito ng kapulisan kapag may napapatay sila kaya marami ang hindi naniniwala?
Lumabas sa isinagawang pagsusuri ng Public Attoney’s Office (PAO) na may palatandaang si Arnaiz ay na-torture at may posibilidad umanong binaril habang nakaposas.

Nasibak sa puwesto ang dalawang pulis na itinurong nasa likod ng pagkamatay ni Carl. Natagpuan ang kanyang bangkay sa isang punerarya sa Caloocan, 10 araw matapos itong maiulat na nawawala.

Naniniwala ang pamilya Arnaiz na imposibleng mangholdap si Carl dahil mabait itong bata.

Valedictorian daw siya nang magtapos sa elementarya at gradweyt sa Makati Science High School bago mag-aral sa UP.

Lumutang na ang taxi driver na si Tomas Bagcal at kinompirma na hinoldap siya ni Arnaiz. Pero “scripted” daw ang pahayag ng pulis na nagkaroon ng barilan. Matapos i-turn over si Arnaiz sa mga pulis ay panandalian daw siyang nakulong.

Nang ilabas umano si Arnaiz ng mga pulis ay pinasunod si Bagcal sa C3 Road. Doon ay pinalakad daw si Carl bago nakarinig ang driver ng mga putok ng baril. Nagkubli raw si Bagcal sa likod ng poste at nakitang bumaksak si Arnaiz.

Ano ang nangyayari sa ating mga alagad ng batas? Sakali mang sangkot sa holdap o droga ang suspek ay hindi naman sila kailangan paslangin nang walang kalaban-laban.

Palaisipan din kung paano umabot sa Gapan ang bangkay ng kasama ni Arnaiz nang ito ay mawala? May mga naghihinalang konektado ang sinapit nina Arnaiz at De Guzman.

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Hoy Bato, hindi mo ka-level si Digong!

SIPATni Mat Vicencio KAHIT saan anggulo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, hindi maaaring ikompara …

Firing Line Robert Roque

Katawa-tawang boksing nitong Linggo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAHIL mistulang naging kalokohan lang ang boxing match nitong …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *