Monday , December 23 2024
Stab saksak dead

Aso maingay, amo kinatay

IMBES ang maingay na alagang aso ang kinatay, ang ginang na amo ng hayop ang pinagtulungang tagain hanggang mamatay ng kanyang mga kapitbahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Jovy Evelyn Candelaria, 47, store owner, at residente sa 31 Upper Lanzones St., Brgy. Payatas Area B, ng nabanggit na lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Marcelo, alyas Rey, at dalawang kinikilala pa ng pulisya, pawang nakatakas makaraan ang insidente. Sa imbestigasyon, dakong 7:30 pm nang pasukin ng apat ang tindahan ni Candelaria sa harap ng kanyang bahay.

Bago ang krimen, ayon  kay Nieves Rosario, nasa loob siya ng bahay nang marinig ang sumisigaw na biktima na humihingi ng saklolo.

Paglabas ni Rosario nakita niya sina Rey at Marcelo kasama ang dalawa pang lalaki na armado ng itak, at patalim na pilit pinapasok ang tindahan ni Candelaria.

Sinubukan Rosario na awatin ang mga suspek ngunit nang malaman na pawang lasing ay ipinaalam niya sa barangay hall ang insidente.

Mabilis na nagres-ponde ang mga barangay official ngunit inabutan nilang wala nang buhay ang biktima at tadtad ng saksak.

Ayon sa pulisya, posibleng motibo sa krimen ang pagrereklamo ng biktima laban kina Rey at Marcelo sa kanilang barangay kaugnay sa bantang kakatayin ng mga suspek ang alagang aso ng ginang dahil sa nakaiiritang ingay ng kanyang alaga.

Bagamat, inaalam din ng pulisya kung mayroon pang ibang motibo sa krimen bukod sa iniimbestigahan din kung sangkot sa droga ang mga suspek.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *