Monday , December 23 2024

Faeldon ikinulong sa Senado (Ayaw harapin sina Lacson at Trillanes)

TINUNGO ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Senator Richard Gordon si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa opisina ng Senate Sergeant at Arms para sandaling mag-usap makaraan tumangging dumalo si Faeldon sa pagdinig kahapon.
(MANNY MARCELO)

IKINULONG nang “indefinitely” sa Senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon hanggang sa siya ay makipagtulungan sa imbestigasyon ng blue ribbon committe kaugnay sa P6.4 bilyon shabu shipment, ayon kay Senador Richard Gordon nitong Lunes.

Ang desisyon ay nabuo makaraan mag-usap sina Gordon at Faeldon sa opisina ng Senate Sergeant-At-Arms.

Sinabi ni Gordon, na-ngangamba si Faeldon na hindi magiging parehas ang magiging trato sa kanya nina Senators Panfilo Lascon at Antonio Trillanes, kapwa nag-akusa sa kanya ng pagiging sangkot sa korupsiyon sa Bureau of Customs. Nang tanungin kung hanggang kailan ikukustodiya ng Senado si Faeldon, sinabi ni Gordon, ito ay depende sa dalawang bagay. “Until he decides to come over, until the Senate says ‘you may go’.”

“Hindi naman siya nagmamatigas kaya lang sabi niya, ‘yun ang desisyon niya na hindi siya haharap dito,” Gordon.

“He just wasn’t willing to go to the Senate kasi andoon ‘yung dalawa,” dagdag ni Gordon, tumutukoy kina Lacson at Trillanes.
Si Faeldon ay dumating sa Senado dakong hapon, nakasuot ng pu-ting shirt na may nakaimprintang mensaheng “truth is justice.”

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *