NAKATALI pa rin ang Commission on Elections (Comelec) sa nakatakdang kalendaryo ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections.
Hanggang ngayon kasi, wala pang batas na lumalabas kung tuloy ba o hindi ang BSK elections sa 12 Oktubre 2017.
At dahil wala pang batas na nagsasabing walang BSK elections sa nasabing petsa, tuloy din ang nakatakdang paghahain ng kandidatura mula 23 Setyembre hanggang 30 Setyembre 2017.
Bukod sa paghahain ng kandidatura, tuloy din ang pag-iimprenta ng balota para sa BSK elections. Hindi umano masasayang ang balota dahil ang BSK elections ay manual at hindi electronic. May nakahain umano na dalawang panukala sa Senado at sa Kamara para ipagpaliban ang BSK elections hanggang Oktubre 2018 pero hanggang sa kasalukuyan, ilang linggo na lang bago 23 Setyembre, wala pang balita kung ano na ang nangyari sa nasabing mga panukala.
Mga kagulang-gulang ‘este kagalang-galang na mambubutas ‘este mambabatas, hanggang kailan po ninyo patutulugin ang mga panukalang ‘yan?
Hanggang 11:59 pm ba ng 22 Setyembre 2017?
E abalang-abala kayo sa mga walang kamatayang ‘investigations in aid of legislation’ ninyo na mukhang ginagamit na lang ninyong harassment laban sa mga political opponents ninyo…
Baka nalilimutan ninyo kung sino ang nagpapasuweldo sa inyo?!
Ang sambayanan ang tunay na boss ninyo, hindi ang mga bulsa ninyo!
Balansehin ninyo ang trabaho ninyo!
REKLAMO
KAY BRGY. CHAIRMAN
RONNIE PALMOS
GOOD day po! Sumulat po aq para ireklamo ang aming kapitan si RONNIE PALMOS kung bakit ‘di po inaaksiyonan ang naglipanang drug pushers sa aming Barangay 139 Zone 15 Pasay City? Hinahayaan lng na magkalat ang adik sa aming bgy lalo n sa madaling araw nag-o-operate ang mga pushers na c DODONG ang leader na inaanak ng isang brgy official kaya may proteksyon. At isa pa bakit wala man lamang proyekto ang aming bgy, san napupunta ang pondo ng brgy? Sana po ay ma-audit ang aming brgy kung paano ginagastos ang pera ng bayan. Salamat po at more power. Email add withheld upon request.
Chairman Palmos, bukas po ang ating kolum sa inyong sagot sa isyung ito.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com