BILIB din naman talaga tayo sa isang opisyal sa lalawigang dinarayo ng mga turista, kapag diskarteng pagkakakitaan ang pag-uusapan.
After daw ng P700 terminal fee na sinisingil ng Kalibo International Airport (KIA), napagdiskitahan naman daw ni CAAP Airport Manager Efren Nagahaman ‘este Nagrama na mag-impose ng P20 initial parking fee and additional P10 per succeeding hours para sa lahat ng mga dumaraan sa kanyang airport!
Sonabagan!!! Kung makikita ninyo ang pasilidad ng nasabing airport hindi kayo tatagal sa sobrang init sa loob na daig pa ninyo ang tinutusta sa pugon!
Kapag pumasok naman kayo sa comfort rooms, huwag na kayo huminga dahil baka ma-suffocate kayo sa sangsang ng amoy na galing sa naghalo-halong amoy ng mga pasahero!
Ewwsss!
E kumustahin n’yo naman ang mga sira-sirang tiles na dinaraanan ng mga pasahero?
‘Di lang miminsan na may natapilok habang naglalakad sa nasabing area.
Kaya naman para mapagtakpan ang mga nag-angatang tiles ay tinakpan nila ng pinagtagpi-tagping mga carpet kaya lalong naging kadiri to the max ang hitsura.
Huwag na natin banggitin ang super-delayed flights na inaabot ng mga pasahero sa paliparan na ‘yan.
Dahil diyan ay ‘jackpot’ ang Jollibee at Mcdo sa pagpapakain ng airlines sa kanilang pasahero every four-hour delayed flight.
Wattafak!?
Tapos ngayon, maging parking fee didiskartehan pa?!
CAAP Director General Jim Sydiongco, alam n’yo ba lahat, Sir, ang mga nangyayaring ‘yan sa KIA?!
Huwag pakaang-kaang, Sir!
REKLAMO
KAY BRGY. CHAIRMAN
RONNIE PALMOS
GOOD day po! Sumulat po aq para ireklamo ang aming kapitan si RONNIE PALMOS kung bakit ‘di po inaaksiyonan ang naglipanang drug pushers sa aming Barangay 139 Zone 15 Pasay City? Hinahayaan lng na magkalat ang adik sa aming bgy lalo n sa madaling araw nag-o-operate ang mga pushers na c DODONG ang leader na inaanak ng isang brgy official kaya may proteksyon. At isa pa bakit wala man lamang proyekto ang aming bgy, san napupunta ang pondo ng brgy? Sana po ay ma-audit ang aming brgy kung paano ginagastos ang pera ng bayan. Salamat po at more power. Email add withheld upon request.
Chairman Palmos, bukas po ang ating kolum sa inyong sagot sa isyung ito.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com