KALIWA’T KANAN ang pinagkakaabalahan ngayon ng Kapamilya actor na si Marlo Mortel. Sa pelikula ay kasali siya sa Fallback na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Rhian Ramos. Ito’y isinulat at pinamamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana para sa Cineko Productions Incorporated.
Sa TV naman, bukod sa Umagang Kay Ganda ng Dos at Knowledge On The Go sa Knowledge Channel, kasali si Marlo sa bagong TV series ng ABS CBN na tatampukan ni Ms. Sylvia Sanchez.
Ipinahayag ni Marlo na sobra siyang masaya sa pagbabalik-pelikula. ”Ang reaction ko po sa pagbabalik-acting, sobrang happy at sobrang excited dahil ang tagal ko rin napahinga sa field na ‘yan and matagal ko rin pine-prepare ang sarili ko na if ever nga na babalik ako rito. Sobra-sobrang thankful and excited ako talaga, sobrang na-miss ko po kasi ang pag-acting. “Sina Zanjoe, Daniel at Rhian, first time lahat kami magkatrabaho and ang babait po nila noong nag-story conference po kami, super nice and supportive po nila.
“I know that this will be a great movie, so abangan po sana nilang lahat. Bale ako po rito si Frankie, apprentice ni Zanjoe na tutulong sa kanya para sa mga the moves. Bale, geek ako rito na parang magaling sa animation, ganyan, so tutulungan ko si Zanjoe para mag-the moves,” saad ni Marlo.
Dagdag niya, ”Super happy ako na nakatrabaho ko si Direk Jason Paul, sobrang bait po ni direk and sobrang galing din po niya. And ‘yung co-actors ko sobrang babait and marami rin po akong natututuhan sa kanila, kaya abangan po nila lahat ‘yan, serye, movie, benefit show, everything, of course, album soon.”
Samantala, magkakaroon ng benefit show si Marlo para sa mother niyang si Mrs. Merlie Pamintuan na mayroong stage four breast cancer. Pinamagatang Songs For Mama, gaganapin sa October 13, Friday, 8 pm sa The Elements at Centris, Eton Centris, EDSA corner Quezon Avenue, Quezon City.
Bukod kay Marlo, kabilang sa mga guest niyang magpe-perform dito sina Michael Pangilinan, Maymay Entrata, Kisses Delavin, at Jed Madela. Plus, mayroon ding mga surprise guest.
“Iyong Songs For Mama is for my mom po, isa po itong benefit show at lahat po ng proceeds ay pupunta sa medical treatment niya.”
Ano ang dapat i-expect ng manonood nito? ”Well, expect na lang na isa itong magandang musical show as well, kasi guest ko po sina Jed Madela, Michael Pangilinan, Maymay, Kisses of PBB… So, seryoso rin po talaga itong show and kakarerin na rin po especially para po ito sa mommy ko.
“Siyempre, mahal natin ang mga mommy natin kaya gagawin natin ang lahat para sa kanila.”
Nagpasalamat din si Marlo sa mga guest niya sa Songs For Mama. ”Happy ako, thankful ako kina Michael, Maymay, Kisses and Jed na pumayag silang maging guest ko. Super babait po talaga nila and nakatataba ng puso na mayroon kang mga katrabaho na willing po talagang tumulong.”
TONZ ARE,
WAGING BEST ACTOR
PARA SA INDIE FILM
NA MARANHIG
MASAYANG-MASAYA ang masipag na indie actor na si Tonz Are nang manalo siyang Best Actor recently sa Gawad Sining Film Festival 2017 para sa pelikulang Maranhig.
“Sobrang saya ko po nang nanalo akong Best Actor. Grabe, sobrang saya talaga! Bale nakatatatlo na po ako, iyong dalawa pang Best Actor award ko ay mula sa Indie Film Festival po at Cinemapua Festival.
“Bukod po sa Best Actor ko, nananalo rin ditong Best Director si Direk Marvin Gabas, Best Film din ang Maranhig at nanalo rin kami ng Best Sound, at Best Production Design,” wika ni Tonz. Dagdag niya, “Ang role ko sa Maranhig ay si Tomas po, isang aswang na na-in love po sa isang tao.”
Sobra rin ang pasasalamat ni Tonz sa magagandang blessings na dumarating sa kanya. “Ang dami kong films po na naka-line up, biglang naging in demand at kaliwa’t kanan ang offer po sa akin,” nakatawang saad niya. “Masasabi ko na sobrang blessed ako this year, advance birthday gift sa akin ni Lord itong blessings na ito.”
Samantala, magkakaroon ng special screenings ang pelikula ni Tonz na titled Ngato ni Direk Bong Bordones sa Sept. 30, 217 sa SM North EDSA, Cinema 8.
Ang iba pang pelikulang kasali si Tonz ay, Ang Mga Munting Pag-asa ni Direk Edmer Guanlao, Tres by Direk Carlo Alvarez, Gala ni Direk Joel Mendoza, Moonlight Flowers ni Direk Ron Sapinoso, Math-tatakutin by Direk Dave Cecillio at ang Lana at Lubong, from Direk Marvin Gabas.
ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio