Tuesday , December 24 2024
dead gun police

Ayon sa PAO: Dating UP student tinortyur bago pinatay ng pulis

TINORTYUR bago pinatay ang 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz na sinasabing nangholdap ng taxi driver sa Caloocan City, ayon sa Public Attorney’s Office forensic laboratory services.

“Masasabi nating execution style ‘yung ginawa sa victim at very obvious ‘yung intent to kill. Wala kaming nakita doon sa bumaril sa kanya na gusto siyang incapacitate lang,” ani Dr. Erwin Erfe, hepe ng PAO forensic laboratory services.

Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang binatilyo nitong 17 Agosto 2017.

Makaraan ang 10 araw na paghahanap, natagpuan ang bangkay ni Carl Angelo sa morgue sa Caloocan. Sa ulat ng pulisya, hinoldap ni Carl Angelo ang sinasakyang taxi sa C-3, Caloocan.

Nakahingi ng tulong ang driver at nang matiyempohan ng pulis, sinasabing nakipagpalitan ng putok ang binatilyo kina PO1 Jefrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.

Ngunit giit ng mga magulang ng binatilyo, hindi holdaper ang kanilang anak. Nagtapos anila ang biktima bilang valedictorian sa elementary, nakatapos sa isang Science high school, at nakapasok pa sa UP Diliman.

“Masakit na masakit. Mahirap tanggapin ‘yung gano’n,” ayon sa ama ni Carl Angelo na si Carlito Arnaiz.

Biglang napauwi din mula Middle East ang overseas Filipino worker na ina ni Carl Angelo na si Eva Arnaiz. “Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi niya kayang gawin ‘yun,” ani Eva.

Ayon sa forensic experts ng PAO, lumabas na bukod sa apat tama ng bala sa dibdib at isa sa likod ng kanang braso, may indikasyon na pinahirapan ang binatilyo bago binaril.

“Malalalim ‘yung gasgas niya, kinaladkad siya, binugbog, magang-maga ang mga mata. Meron din kaming nakitang marka na siya ay pinosasan. Maraming marka ng posas sa kanan,” saad ni Erfe.

Wala rin aniyang indikasyon na nagpaputok ng baril si Arnaiz. Batay sa trajectory ng bala, maaaring nakaluhod o nakahiga na siya nang barilin.

Pahayag ni Atty. Persida Rueda-Acosta ng PAO, “Tayo po ay dudulog sa DoJ para magkaso ng murder. Pinatay siya nang walang kaawa-awa. Nakaposas na paano pa lalaban ‘yan?”

Napatay si Carl Angelo dalawang araw makaraan mapatay sa operasyon ng Caloocan police si Kian delos Santos dahil umano sa panlalaban at pagka-kasangkot sa ilegal na droga.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *